January 27, 2026

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Kate Valdez, Fumiya Sankai iniintrigang hiwalay na!

Kate Valdez, Fumiya Sankai iniintrigang hiwalay na!
Photo Courtesy: Kate Valdez, Fumiya Sankai (IG)

Tila nalalagay sa bingit ng alanganin ang relasyon nina Kapuso actress Kate Valdez at dating Pinoy Big Brother (PBB) housemate Fumiya Sankai.

Napansin kasi ng ilang netizens na hindi na naka-follow si Kate sa Instagram account ni Fumiya.

Sinubukan ng Balita na bisitahin ang account ng dalawa para kumpirmahin ang tsika. Wala na nga si Fumiya sa following list ni Kate ngunit nasa following list pa rin naman ni Fumiya si Kate.

Pero lalong lumakas ang hinalang nagkakaroon ng lamat ang relasyon ng dalawa nang magbahagi si Kate ng cryptic post.

Tsika at Intriga

'Totoo ang tsismis!' Pooh windang sa presyo ng local flight, halos pareho ng int'l flight

Tampok sa kaniyang magkakasunod na Instagram stories ang mga lyrics mula sa kanta nina Olivia Rodrigo na “Favorite Crime” at Billie Eilish na “Happier Than Ever”  na kapuwa nakasentro ang tema sa betrayal, toxic relationships, at heartbreak.

Samantala, sa huling slides ng IG story ni Kate, mababasa ang isang makahulugang quote na ni-repost niya.

“The more honest you are about who you are, the faster what doesn't belong lets go of you,” saad dito.

Matatandaang inanunsiyo nina Kate at Fumiya ang relasyon nila sa publiko noong Hunyo 2024.

Nagsimulang mabuo ang espekulasyon na may namamagitan kina Fumiya at Kate nang lumutang sa social media ang mga larawan nila nang magkasama sa Hong Kong Disneyland.

Maki-Balita: Kate Valdez, nagsalita na sa real-score nila ni Fumiya