January 27, 2026

Home BALITA

Kampo ni FPRRD, aapela sa ICC matapos itakda ang confirmation of charges

Kampo ni FPRRD, aapela sa ICC matapos itakda ang confirmation of charges
Photo Courtesy: via MB

Maghahain ng apela si Atty. Nicholas Kaufman sa International Criminal Court (ICC) matapos nitong ideklara na “fit to take part in pre-trial proceedings” ang kliyente niyang si dating Pangulong Rodrigo Duterte para sa pagdinig ng confirmation of charges kaugnay ng kasong crimes against humanity.

Sa inilabas na pahayag ni Kaufman nitong Martes, Enero 27, naghayag siya ng pagkadismaya sa desisyong ito ng ICC.

Aniya, “The Defence is disappointed that, contrary to accepted practice, it was denied the opportunity to present its own medical evidence and to question, in court, the contradictory findings of professionals selected by the judges​.”

​"The Defence will seek leave to appeal this decision and argue that Mr. Duterte was denied due process," dugtong pa ni Kaufman.

VP Sara, ikinalungkot trahedya ng MV Trisha Kerstin 3; patuloy pananalangin para sa kaligtasan

Nakatakdang gawin ang pagdinig sa confirmation of charges ni Duterte sa darating na Pebrero 23, limang buwan matapos ang orihinal nitong schedule. 

Matatandaang naudlot ang unang hearing kaugnay dito noong Setyembre 23 hanggang Setyembre 26 dahil wala umanong kakayaha ang dating Pangulo na humarap sa paglilitis.

Ngunit ayon sa pinakabagong ulat ng mga independent medical expert na sumuri kay Duterte, lumilitaw na kaya umano niyang gampanan ang kaniyang “procedural rights.”

Nauna nang sinabi ni International Criminal Court (ICC) Assistant to Counsel Atty. Kristina Conti noong Oktubre 2025 na kung makukumbinse umano ng mga ulat ang mga hukom na ideklarang may kakayahan si Duterte na humarap sa paglilitis, ipagpapatuloy ang pagdinig sa confirmation of charges nito sa lalong madaling panahon.

Maki-Balita: Confirmation of charges ni FPRRD, itatakda agad sakaling mapatunayang ‘fit to stand trial’—Conti