Nilinaw sa publiko ni House Justice Committee Secretary General Cheloy Garafil na wala na raw maaaring humabol pa sa pagsasampa ng bagong impeachment complaint laban kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr.
Ayon sa naging pahayag ni Garafil sa ambush interview ng media sa kaniya nitong Martes, Enero 27, sinabi niyang hindi na raw puwedeng humabol ng ilang indibidwal o grupo para magsampa ng nasabing reklamo laban sa Pangulo dahil na rin sa one year bar rule for impeachment.
“Hindi na,” pagsisimula niya, “As a matter of fact, wala nang puwedeng humabol.”
Paliwanag pa niya, “Kasi ito ‘yong paulit-ulit kong sinasabi, basta may makarating na impeachment complaint sa Justice Committee, following the Francisco ruling, it completes the initiation process and therefore it bans all subsequent impeachment complaints against the same impeachable official.”
“It likewise triggers the running up to one year prohibition period,” pagtatapos ni Garafil.
Kaugnay ito ng inihayag ni ACT Teachers Partylist Rep. Antonio Tinio na matagumpay nang naipasa ng Makabayan bloc ang ikalawang impeachment complaint kay PBBM noong Lunes, Enero 26, 2026.
MAKI-BALITA: ‘Di nakakuha ng definite commitment!’ Makabayan Bloc, naipasa na 2nd impeachment complaint kay PBBM
Sa naging pahayag ni Tinio sa publiko, iginiit niyang patuloy raw nilang babantayan ang naturang complaint na isinumite nila sa House Secretary General matapos daw silang bigong makakuha ng sagot sa pag-usad nito.
Bukod pa rito, matatandaan ding pinakang-una Naghain ng impeachment complaint laban kay PBBM si House Deputy Minority Leader Pusong Pinoy Party-List Rep. Jett Nisay sa pamamagitan ng abogado niyang si Atty. Andre De Jesus noong Enero 19, 2026.
Ayon naman sa naging paliwanag ni Nisay, sinabi niyang may kaugnayan ang naturang impeachment sa paglipat ng ₱60 bilyong pondo ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) sa national treasury at iba pang mga grounds.
MAKI-BALITA: Solon, naghain ng impeachment complaint vs PBBM sa Kamara!
MAKI-BALITA: 2 impeachment complaint vs PBBM, pag-atake rin sa administrasyon—Palasyo
Mc Vincent Mirabuna/Balita