January 27, 2026

Home SHOWBIZ

GMA reporter, nakaligtas matapos mahulog sa barko

GMA reporter, nakaligtas matapos mahulog sa barko
Photo Courtesy: Bam Alegre, Michael Olino (FB)

Ibinahagi ng GMA senior news reporter na si Bam Alegre ang nangyari sa kaniyang aksidente sa Port Area sa Maynila noong Lunes, Enero 26.

Ito ay sa kasagsagan ng coverage ni Bam tungkol sa pagkakaligtas ng Chinese Coast Guard sa mga Pilipinong sailor sa West Philippine Sea (WPS).

Sa isang Facebook post noon ding Lunes, sinabi niyang parang isang segundo raw siyang nakalutang sa hangin bago tuluyang bumgsak sa dagat.

“10 feet. 18 feet. Hindi ko alam paano sukatin. Basta nang mahulog ako sa gilid ng barko, tila isang segundo akong nakalutang sa ere bago bumulusok sa dagat,” lahad ni Bam.

Tsika at Intriga

'Totoo ang tsismis!' Pooh windang sa presyo ng local flight, halos pareho ng int'l flight

Dagdag pa niya, “Habang nakalubog, hindi ko makapa ang ilalim. Malalim. Hindi pa ako handa na mag-flashback ang buong buhay ko. “

Pilit inalala ni Bam ang kaniyang training sa ganitong pagkakataon. Lumutang siya at naglangoy na tila aso hanggang sa gumana ang ginawa niya.

“Sa taas ng tumba, kung may tumama sa ulo ko, o kaya nawalan ako ng malay, wala na ako. Pero may himala. May wake-up call din. Hindi pa oras. Dapat bigyang saysay ang panibagong buhay,” dugtong pa ng GMA senior news reporter.

Samantala, sa isang hiwalay na post nitong Martes, Enero 27, nagpaabot siya ng pasasalamat sa lahat ng nag-alala at nanalangin para sa kaniya.