January 28, 2026

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Fhukerat, pumalag sa umano'y tirada ni Wacky Kiray: 'Silence is better than spreading lies!'

Fhukerat, pumalag sa umano'y tirada ni Wacky Kiray: 'Silence is better than spreading lies!'
Photo courtesy: Wacky Kiray, Kier Garcia (FB)

Tila inalmahan ng social media personality na si Kier Garcia o "Fhukerat" ang naging reaksiyon ng komedyante at "Tiktoclock" host na si Wacky Kiray patungkol sa naging reaksiyon nito sa isang viral social media art card, sa umano'y sinabi raw ng una nang sumakay siya sa MRT at makipagsiksikan sa mga pasahero.

Nakalagay kasi sa kumalat na satire art card na sumakay umano si Fhukerat sa MRT, at matapos daw makipagsiksikan, ay agad na naligo siya pagkauwi ng bahay.

"Sumakay ako isang beses sa MRT, sa Taft, hindi na mauulit. Ang daming tao, siksikan, nakakadiri. As in, naligo agad ako pag-uwi," mababasa rito.

Ibinahagi naman ito sa social media page na nakapangalan kay Wacky Kiray, at kinomentuhan.

Tsika at Intriga

Raymart, pumalag kay Claudine sa umano'y pagkidnap sa mga anak

Mababasa, "ha! totoo ba to? girl kung totoo to!bakla ka! alam mo ba yung mga nag siksikan s MRT sila yung mga masisipag at na nag tra trabaho para kumita ng pera nag MRT para maka tipid at mabilis makarating sa kanilang mga trabaho."

"MRT uli pag uwi para makapiling ang kanilang mahal sa buhay kahit sa maikling oras lasi gigising uli ng maaga para mag trabaho! kung na babahuan ka at ng didiri! mag grab ka mag taxi ka! ang arte mo!!ehhh mukha ka naman tatay!!!!"

Photo courtesy: Screenshots from Wacky Kiray/FB

Bagama't nakapangalan kay Wacky Kiray ang FB page na may 524,000 followers, hindi naman ito verified. Gayunman, ipinagpalagay ng mga netizen na siya ang nasa likod nito.

Nakarating naman kay Fhukerat ang tungkol dito, at saka kinomentuhan. Hindi man direktang sinabing para kay Wacky Kiray ito, ngunit pumapatungkol ang komento niya sa pagpapakalat ng kasinungalingan, kaya kailangan daw muna ng "comprehensyon" at "fact-checking."

Aniya, "Rumors can destroy a person’s name in seconds. Not everything we read or see online deserves our attention or belief.

Before reacting, before sharing pause."

"Comprehension and fact-checking should always come first. Silence is better than spreading lies."

"Not every story is worth your voice," aniya.

Photo courtesy: Screenshot from Kier Garcia/FB

Sa comment section, may pahabol pa siyang pahayag.

"Nag sisimula na naman silang manira pag sumagot ako na masama!" aniya.

Kamakailan lamang ay nasangkot si Fhukerat sa kontrobersiya matapos daw na haranging makapasok sa Dubai.

Kaugnay na Balita: 'Mukha akong babae, pero sa passport male! Bakit 'denied entry' si Fhukerat sa Dubai?

Samantala, wala pang reaksiyon, tugon, o pahayag si Wacky Kiray tungkol dito. Bukas ang Balita sa kaniyang panig.