January 27, 2026

Home BALITA Probinsya

Erpat, timbog matapos umanong gahasain 5-anyos na anak na babae

Erpat, timbog matapos umanong gahasain 5-anyos na anak na babae
Photo courtesy: CIDG


Arestado sa ikinasang manhunt operation ng mga awtoridad ang isang 39 taong gulang na ama matapos umano niyang halayin ang sarili niyang anak.

Ayon sa mga ulat, hinuli ang suspek sa Brgy. Paitan, Quezon, Bukidnon, sa bisa ng warrant of arrest para sa kasong Qualified Rape of Minor and Sexual Assault, na inisyu sa Malaybalay, Bukidnon court noong Enero 16, 2026.

Base pa sa impormasyong inilatag ng mga kinauukulan, nakatala ang suspek bilang Rank No. 9 Provincial Most Wanted Person (MWP) ng Bukidnon.

Lumalabas sa imbestigasyon na bago o noong Abril 2025, ginahasa umano ng suspek ang kaniyang 5 taong gulang na anak na babae mismo sa kanilang tahanan.

Napag-alaman daw ito ng tiyahin ng biktima, dahilan upang maiulat sa pulisya ang nasabing panghahalay noong Oktubre 17, 2025 sa Quezon Municipal Police Station.

Probinsya

Pekeng dentista, arestado sa serbisyong 'DIY braces' sa Batangas



Sa kasalukuyan, nasa poder na ng pulisya ang naturang suspek.

Tiniyak naman ng mga awtoridad na patuloy ang kanilang pagprotekta sa mga kababaihan at kabataan laban sa anumang uri ng pang-aabuso at karahasan.

Vincent Gutierrez/BALITA