January 27, 2026

Home BALITA National

'De facto martial law' ni Rep. Leviste, 'di deserve ng sagot mula sa Palasyo—Usec. Castro

'De facto martial law' ni Rep. Leviste, 'di deserve ng sagot mula sa Palasyo—Usec. Castro
Photo courtesy: PCO (FB), Leandro Leviste (FB)

Tila hindi raw nararapat na makakuha ng tugon mula sa Malacañang ang naging video statement ni Batangas 1st District Rep. Leandro Leviste sa sinabi niyang nasa ilalim umano ng de facto martial law ang Pilipinas. 

KAUGNAY NA BALITA: 'Pinas, nasa de facto Martial Law kahit walang opisyal na deklarasyon!'—Rep. Leviste

Ayon sa isinagawang press briefing ng Malacañang nitong Martes, Enero 27, 2026, sinabi ni Palace Press Officer at Presidential Communications Office (PCO) Usec. Claire Castro na hindi raw nararapat na makakuha ng tugon mula sa kanila ang ilang mga “maling opinyon.” 

“Not all wrong opinions deserve a response from the Palace,” maikli niyang tugon. 

National

Castro sa pag-inhibit ni Rep. Sandro sa sarili sa impeachment vs PBBM: 'It shows his character, decency'

Ani Castro, dapat daw na maramdaman ng publiko o ng mga miyembro ng media kung totoo ba raw ang sinasabi ni Leviste. 

“Unang una po, mismong mga taga-media—kayo po na miyembro ng MPC ay makakaramdam ng kung totoo po ba ang kaniyang mga sinasabi,” pagtatapos pa niya. 

Samantala, wala pa naman inilalabas ulit na tugon, reaksyon, o pahayag si Leviste kaugnay rito. 

Matatandaang idiniin ni Leviste sa publiko na nasa ilalim diumano ng “de facto martial law” ang Pilipinas kahit wala itong opisyal na deklarasyon mula sa mga awtoridad noong Lunes, Enero 26, 2026. 

MAKI-BALITA: 'Pinas, nasa de facto Martial Law kahit walang opisyal na deklarasyon!'—Rep. Leviste

Anang mambabatas, marami raw ang nananahimik at ayaw maging kritiko laban sa korapsyon dahil sila pa umano ang nasasampahan ng kaso.  

Nagawa ring gawing halimbawa ng congressman ang nangyari noong Martial Law sa panahon ng panunungkulan ni dating Pangulong Ferdinand Marcos, Sr., na ama ng kasalukuyang Pangulo.

Tila naniniwala raw si Leviste na magtatagumpay ang mga nagsasalita patungkol sa korapsyon katulad umano ng ginawa ng mga nauna sa kanila sa panahon noong Martial Law.

MAKI-BALITA: Rep. Leviste, sinupalpal mga nagpakalat na may ‘plagiarism issue’ siya noong college

Mc Vincent Mirabuna/Balita