January 26, 2026

Home BALITA National

Usec. Castro, kinumpirma magandang kalagayan ni PBBM; sasailalim sa operasyon?

Usec. Castro, kinumpirma magandang kalagayan ni PBBM; sasailalim sa operasyon?
Photo courtesy: PCO (FB)

Kinumpirma mismo ng Palasyo na nasa magandang kalagayan na umano ang kalusugan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr., at nagbigay rin sila ng komento patungkol sa bali-balitang sasailalim sa operasyon si PBBM. 

Matatandaang personal na kinumpirma ng Pangulo ang pagbuti ng kaniyang kalusugan noong Huwebes, Enero 22, matapos siyang ma-diagnose ng sakit na “Diverticulitis.”

KAUGNAY NA BALITA: ‘Wag muna kayo masyadong excited!’ PBBM binunyag ang sakit, hindi raw life threatening

Ayon naman sa naging pahayag ni Palace Press Officer at Presidential Communications Office (PCO) Usec. Claire Castro sa isinagawa nilang press briefing nitong Lunes, Enero 26, sinabi rin niyang nasa mabuting kalagayan na umano ang Pangulo at dumalo na rin ito sa isang pagpupulong. 

National

Ex-CHED chair, binatikos matapos maghayag ng pagkadismaya sa pagkakaltas ng GE subjects

“Sa ngayon po ay masasabi nating maganda po ang kalagayan ng ating Pangulo dahil siya po ay kasalukuyang nasa meeting,” pagsisimula niya. 

Dagdag pa ni Castro, “Marami po silang pinag-uusapan patungkol po doon at kung anoman ang [kanilang] mapag-usapan, maaari kong maibigay bukas dahil hindi pa po tapos ang meeting.” 

Samantala, pinabulaanan naman ni Castro ang umano’y lumalabas na balita na sasailalim o sumailalim ang Pangulo sa operasyon dahil sa nasabi niyang sakit. 

“Wala pong ganoong balita na maibibigay po tayo dahil ngayon po ang Pangulo ay nasa meeting,” aniya. 

“So, ‘yan po ay fake news,” diin pa niya. 

Paglilinaw naman ni Castro, plano rin daw nilang i-post ang naging pakikipagpulong ng Pangulo nitong Lunes upang ipakita sa publiko na maayos na ang kaniyang kondisyon. 

“‘Yong pagme-meeting po ngayon, pagpupulong, malamang po ay mai-post ito para po mapakita natin na ang Pangulo po ay nasa sa maayos na kondisyon,” pagtatapos niya. 

Kaugnay nito, matatandaang Enero 21, 2026, nang inanunsyo ng Malacañang ang pagpapalipas ng gabi ni PBBM sa pagsailalim sa medical observation sa St. Luke’s Medical Center sa Quezon City matapos umano nitong makaranas ng “discomfort.”

MAKI-BALITA: PBBM, sumailalim sa medical observation dahil sa discomfort!—Palasyo

MAKI-BALITA: ALAMIN: Sakit na ‘Diverticulitis’ ni PBBM, life-threatening nga ba?

Mc Vincent Mirabuna/Balita