January 26, 2026

Home BALITA Probinsya

‘Search and rescue’ isinasagawa sa lumubog na RORO; may 332 pasahero

‘Search and rescue’ isinasagawa sa lumubog na RORO; may 332 pasahero
Photo courtesy: Coast Guard District Southwestern Mindanao (FB)

Isinasagawa ang isang malawakang search and rescue operations sa lumubog na Roll-on/Roll-off (RORO) na may lulang 332 pasahero, sa Basilan, nitong madaling-araw ng Lunes, Enero 26. 

Ayon sa ulat ng Coast Guard District Southwestern Mindanao (CGDSWM),  narespondehan nila ang distress call mula sa paglubog ng MV Trisha Kerstin 3 nang 1:50 ng umaga. 

Lulan ang 332 pasahero at 27 crew members, umalis ang RORO sa pantalan ng Zamboanga City nang 9:20 ng gabi, noong Linggo, Enero 25, patungong Jolo, Sulu. 

Ang insidente ng paglubog ay naitala sa 2.75 nautical miles, northeast ng Baluk-Baluk Island, Basilan. 

Probinsya

4-anyos na bata, patay matapos lunurin ng sariling ina!

Habang kasalukuyang nagsasagawa ng malawakang search and rescue operation ang CGDSWM, wala namang oil spill ang naiulat pa mula sa paglubog ng RORO.

Sa kaugnay na ulat, base sa social media post ni  Basilan mayor Arsina Kahing-Nanoh nito ring Enero 26, tinatayang 8 na ang kumpirmadong nasawi mula sa insidente. 

Isa rin sa mga nasawi ang isang sanggol na babae, ayon naman sa social media ni Kagawad Gamar “Gams” Alih. 

Nilinawa naman ng Philippine Coast Guard (PCG) sa kanilang panayam sa media na hindi overloaded ang RORO dahil may maximum capacity ito na 350. 

Sean Antonio/BALITA