January 26, 2026

Home BALITA National

Pambibiktima sa text scams, bumaba nong 2025; scammer, lumipat daw sa call-based scams?

Pambibiktima sa text scams, bumaba nong 2025; scammer, lumipat daw sa call-based scams?

Inihayag ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na bumaba ng 86.6% ang kaso ng text scams noong 2025 batay sa datos ng called ID at anti-fraud app na Whoscall.

Sa press conference ng CICC kamakailan, iginiit ng CICC na nasa 822,634 ang ibinaba ng scam texts noong 2025 kumpara sa 6,157,634 nong 2024.

Sa kabila nito, nasasaad sa report ng Whocall PH na bagama’t malaki ang ibinaba ng text-based scams, ay tila lumipat na raw sa call-based scams ang mga modus para makapanloko.

“Scammers have shifted to call-based scams, operating like telemarketing firms while impersonating banks and credit card issuers,” anang Whoscall PH.

National

PCG, pinuri kapitan ng lumubog na cargo ship sa WPS; mga kasama, 'di pinabayaan!

Bagama’t mas malaki ang naitalang datos sa fraudulent calls, ay kapansin-pansin pa rin ang pagbaba naman nito kumpara pa rin noong 2024.

Mula 610,688 noong 2024 ay bumaba ito ng 21.84% noong 2025 na may kabuuang bilang ng 477,302.

Ayon pa sa Whoscall PH, nagpapatuloy pa rin ang malawakang modus sa text-based scams sa pamamagitan ng mga suspicious links at URLs na nagpapanggap na mga lehitimong ahensya o institusyon.

“This trend indicates that phishing will dominate the scam landscape in 2026 becoming more aggressive and widespread across all digital channels, including SMS, messaging apps, email and other online platforms,” anang nasabing ulat.

Saad pa ng Whosecall PH, ang “loans and rewards” ang kalimitang clickbait sa mga suspicious links sa huling quarter ng 2025 kung saan tinatayang 31,412 ang naitalang kasong nauugnay dito.

Ayon sa CICC, maaaring magsumite ng report kaugnay sa nasabing scams sa pamamagitan ng Scam Vault PH—isang platform para sa mga nabiktima ng scams. Noong Hunyo 2025 hanggang Disyembre 2025, nasa 155 kaso mula sa SMS scams ang naitala nila, 188 social media scams at 28 sa phishing link reports.