Usap-usapan ng mga netizen ang Facebook post ng aktres na si Ruffa Gutierrez matapos niyang ibida ang mga larawan mula sa birthday celebration ng twin brothers niyang sina Richard at Raymond Gutierrez.
Sa post ni Ruffa noong Enero 21, ipinagmalaki ni Ruffa na ang nag-organize ng birthday party ay si Kapamilya actress Barbie Imperial.
Si Barbie, ay dine-date ng kapatid niyang si Richard, na kamakailan ay hayagan na ngang umamin sa pagkakamabutihan nilang dalawa.
Naganap ang birthday celebration sa isang hotel sa Makati City, batay sa caption ni Ruffa.
"A surprise, intimate birthday dinner at The Peninsula Manila, lovingly organized by Barbie for Chard & Mond," mababasa sa caption ng post.
"Blurry photos, but some moments are meant to be lived, not photographed."
"Happy birthday to my handsome twin brothers!! Wishing you success, love, and good health this year and always. We love you!" anang Ruffa.
Sa comment section naman, isang netizen ang nagkomentong tila obvious daw na mahal ng pamilya Gutierrez si Barbie.
"No wonder why the family loved Barbie I guess the pics say it all... Moving forward, everybody deserve second chances," anang netizen.
Tumugon naman dito si Ruffa sa pamamagitan ng heart emojis.
Photo courtesy: Screenshot from Ruffa Gutierrez/FB
Sabi naman ng isa, "Magustuhan nila si Barbie Kasi simple Lang Tapos Di maluho SA buhay Just my opinion Lang."
"I like Barbie Imperial for my ultimate idol Richard i can sense na masinop sya at marunong sa bahay ndi ung puro ganda lang ambag at ndi sya maluho..." pahayag naman ng isa.
Sey naman ng isa, "Mukhang bet ng family nila si Barbie."
"Kaya pala love na love siya ng mga Gutierrez. Marunong talaga si ante niyo makisama. Siya pa kasi nag organize eh," anang isa pa.
Samantala, nag-iwan naman ng mensahe si Ruffa sa mga taong tila hindi pa raw nakaka-move on sa nakaraan, patungkol sa naghiwalay na sina Richard at misis na si Sarah Lahbati.
"For those of you making rude comments, I will block and delete them. You don’t know what happens in private. What’s clear is that all parties have moved on, so should you. Maraming salamat for your kind understanding," aniya.
Photo courtesy: Screenshot from Ruffa Gutierrez/FB