Inanunsyo ng Makabayan Bloc ang muli nilang pagratsada na maghain ng panibagong impeachment laban kay Vice President Sara Duterte.
Sa panayam ng media kay dating Gabriela Partylist Rep. Liza Maza nitong Lunes, Enero 26, 2026, iginiit niyang nakatakda na silang maghain ng panibagong impeachment sa susunod na linggo.
“Gusto naming i-anunsiyo na next week, magfa-file kami, or magre-refile ng impeachment complaint laban kay Vice President Sara Duterte,” ani Maza.
Matatandaang nananatiling epektibo ang one year ban kontra impeachment kay VP Sara matapos mapasok ang mga naunang impeachment complaints sa laban sa Pangalawang Pangulo. Inaasahang magtatapos ito sa darating na Pebreo 6.
Nitong Lunes din nang pormal nang inihain ng Makabayan Bloc ang ikalawang impeachment complaint laban kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr., matapos itong hindi tanggapin ng House Secretary General noong Enero 22 dahil sa pagliban ni House Sec.Gen. Cheloy Garafil.
“Inaasahan natin ngayon, natanggap n'ya na [ay] immediate referral to the Speaker. However, hindi tayo nakakuha ng definite commitment kay Secretary General na ire-refer n'ya kaagad kay Speaker ang complaint. So, hindi natin malaman kung bakit?” ani ACT Teachers Partylist Rep. Antonio Tinio.
KAUGNAY NA BALITA: ‘Di nakakuha ng definite commitment!’ Makabayan Bloc, naipasa na 2nd impeachment complaint kay PBBM
Kung sakaling tuluyang may maghain pa ng iba pang impeachment laban kay VP Sara, inaasahang kapuwa sila mahaharap sa impeachment ni PBBM. Sa kauna-unahang pagkakataon sa kasaysayan ng bansa, dalawang pinakamataas na posisyon ang sasalang sa impeachment court kung sakaling tuluyang gumulong ang mga ito sa Kamara at Senado.
Maki-Balita: SP Sotto pinaghahandaan na impeachment vs. PBBM, VP Sara