January 27, 2026

Home SHOWBIZ

Miss Earth PH Joy Barcoma, suportado anti-mining protest sa Nueva Vizcaya

Miss Earth PH Joy Barcoma, suportado anti-mining protest sa Nueva Vizcaya
Photo Courtesy: Joy Barcoma, Screenshot from Rowel Costales Dumelod (FB)

Naghayag ng suporta at pakikisimpatya si Miss Earth Philippines 2025 Joy Barcoma para sa mga taga-Dupax del Norte na nagsagawa ng kilos-protesta kontra pagmimina sa naturang lugar.

Sa isang Facebook post ni Joy nitong Lunes, Enero 26, shinare niya ang video kung saan mapapanood ang nangyayaring komosyon sa pagitan ng kapulisan at mga nagpoprotesta .

“UPHOLD FREE, PRIOR, and INFORMED CONSENT! Ang lupa ay para sa mga mamamayang nangangalaga sa kalikasan, hindi para sa interes ng iilan,” saad ni Joy.

Giit pa niya, “ANG DESISYON AY DAPAT MANGGALING SA TAUMBAYAN!”

Tsika at Intriga

Safe na! Mga umano'y 'kinidnap' na anak ni Claudine, nakabalik na sa kaniya

Bukod dito, kinuwestiyon din ng kandidata ang dagsang bilang ng kapulisan sa lugar.

“At bakit napakaraming pulis?” aniya. “Hindi kailanman naging dahas ang paggamit ng boses para ipaglaban ang karapatan. PROTECT DUPAX!” 

Samantala, kinalampag na ng International Coalition for Human Rights in the Philippines (ICHRP) si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. para mamagitan at ipag-utos ang agarang pagpapalaya sa pitong residenteng inaresto nang magsagawa ng umano’y marahas na dispersal.

Ngunit sa kasalukuyan, habang isinusulat ang artikulong ito, wala pang inilalabas na pahayag o reaksiyon ang Pangulo.

Matatandaang nauna na ring nanawagan sa Pangulo si Bishop Jose Elmer Mangalinao noong Nobyembre 2025 para ipatigil ang operasyon ng mina dahil sa ecological damage na idudulot nito sa Nueva Vizacaya.