January 26, 2026

Home BALITA National

Mike Defensor, may hinuha sa di-pagtanggap sa impeachment complaint nila vs PBBM

Mike Defensor, may hinuha sa di-pagtanggap sa impeachment complaint nila vs PBBM
Photo courtesy: MB FILE PHOTO

Tila may hinuha si dating Anakalusugan Partylist Rep. Mike Defensor na liderato umano sa Kongreso ang nasa likod ng pagkaunsyami ng kanilang hinaing impeachment complaint sa Office of the Secretary General ng House of Representative laban kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. 

Matatandaang inihayag ni Bayan Chairperson Teddy Casiño na hindi raw tinanggap ng House Secretary General ang ikalawa at ikatlong impeachment case na inihain ng Makabayan Bloc at grupo nina Defensor laban sa Pangulo dahil wala raw si House Sec. Gen. Cheloy Garafil noong Huwebes, Enero 22, 2026. 

MAKI-BALITA: 'Absent daw!' House Secretary General, 'di tinanggap ikalawang impeachment case kay PBBM

Ayon naman kay Defensor, sa panayam sa kaniya ng True FM nitong Lunes, Enero 26, kinuwento niya sa publiko ang umano’y naging pag-uusap nila ng kinatawan ng Makabayan bloc matapos nitong maunang maghain ng nasabing reklamo laban sa Pangulo noon ding Huwebes, Enero 22, 2026. 

National

PCG, pinuri kapitan ng lumubog na cargo ship sa WPS; mga kasama, 'di pinabayaan!

“Noong mag-usap kami ng Makabayan bloc, kasi nauna sila, may tumawag sa aking mga kaibigan natin, sabi nila ‘O, hindi tinanggap.’ Sabi ko, ‘Talaga?’” pagsisimula ni Defensor. 

Dagdag pa niya, “Nag-usap kami no’ng kinatawan ng Makabayan bloc. Sabi ko, ‘Anong nangyari sa inyo?’ Sabi nila, ‘Hindi kami tinanggap and nag-iwan kami sa loob.’” 

Ani Defensor, napaisip daw siya noon kung itutuloy pa niya ang pagsama sa paghahain ng impeachment complaint sa Office of the Secretary General dahil sa umano’y pag-unsyami ng mga naturang reklamo ng Makabayan bloc at ng grupo nila. 

“Noong malaman ko ito, [ang] sabi nila sa akin, magpa-file pa rin sila sa Monday,” aniya. 

Diin niya, “In fact ang reaction ko pa kaagad doon sa kinatawan, sa isang kausap ko, sabi ko, ‘Parang ayaw ko nang makisama dito sa ginagawa nila and ngayon ko lang nakita itong ganoong pangyayari o ‘yong ganitong pagkilos ng Secretary General Office na sa kabuuang Kongreso.” 

Anang dating mambabatas, hula niyang liderato raw ang nasa likod ng pangyayaring hindi pagtanggap ng nasabing tanggapan sa inihain nilang impeachment complaint laban sa Pangulo. 

“They cannot just Sec. Gen. Office. It is part of the House of the Representatives. And for me ay talagang liderato ang may gawa nito,” saad niya.  

“Kung hindi man Malacanang [ang] mismong involved ay ‘yong liderato ng Kongreso ang talagang hindi pumayag sa nangyayaring ito,” paglilinaw pa niya. 

Ayon pa kay Defensor, pag-uusapan pa lang daw nila ngayon ding umaga ng Lunes kung itutuloy pa nila ang paghahain ng impeachment complaint sa Office of the Secretary General. 

“So, kung gagawin ba namin ‘yun [maghain ulit ng impeachment complaint], pag-uusapan namin ngayong umaga,” pagtatapos pa niya. 

Kaugnay nito, matatandaang ipinagtanggol naman ni House Assistant Majority Leader Zia Alonto Adiong ang naging desisyon ng Office of the Secretary General ng House of Representatives na hindi tanggapin ang mga reklamong impeachment na inihain ng Makabayan Bloc at ng grupong pinamumunuan ng dating Anakalusugan Rep. Mike Defensor at iginiit na mahigpit itong sumunod sa mga patakaran ng Kamara noong Biyernes, Enero 23, 2026. 

Depensa ni Adiong, “The receipt of an impeachment complaint is not a casual or clerical transaction. It is a formal constitutional act that must strictly comply with House rules. It cannot be improvised, delegated casually, or reduced to a mere drop-off.”

MAKI-BALITA: 'There is no refusal!' Solon, ipinagtanggol 'di pagtanggap ng House Sec. Gen. sa 2 impeachment cases kay PBBM

MAKI-BALITA: 'Kung papayagan!' Zaldy Co, handang maging 'state witness' sa ikatlong impeachment case laban kay PBBM

Mc Vincent Mirabuna/Balita