Nauwi sa marahas na pagtatalo ang away ng mag-live in partner sa Davao del Sur kung saan sugatan ang 19-anyos na lalaki matapos siyang tagain ng kinakasama niyang 34 taong gulang.
Ayon sa mga ulat, tinaga ang suspek ang kaniyang live-in partner matapos umano siya nitong buhusin ng mainit na kape sa gitna ng kanilang pagtatalo.
Depensa ng suspek, hindi na raw siya nakapagtimpi sa kaniyang kinakasama dahil sa paulit-ulit na pananakit nito sa kaniya sa tuwing mag-aaway sila.
Nagtamo ng taga sa kamay ang biktima at halos mawalan na rin ito ng malay matapos siyang palagan ng suspek.
Mabilis na naisugod sa ospital ang biktima matapos rumesponde ang ilan nilang kapitbahay kung saan naisakay siya sa isang pick-up truck na nagsugod sa kaniya sa ospital.
Samantala, agad namang naaresto ng mga awtoridad ang suspek at kasalukuyan na itong nananatili sa kanilang kustodiya. Pinag-aaralan na rin ng pulisya ang posibilidad na kaso sa suspek o kung maikokonsidera umanong “self-defense” ang naging tugon niya laban sa kaniyang live-in partner.