January 26, 2026

Home BALITA Probinsya

Kalabaw sa Palawan, binembang umano ng binatilyo; suspek, dati nang nanghalay ng kambing!

Kalabaw sa Palawan, binembang umano ng binatilyo;  suspek, dati nang nanghalay ng kambing!
Photo courtesy: Contributed photo

Desidido ang mga awtoridad na masakote ang binatilyong nanggahasa sa isang kalabaw sa El Nido, Palawan.

Ayon sa mga ulat, dalawang saksi ang umano’y nakakita sa suspek na ginagawan ng kahalayan ang isang inahing kalabaw na nakatali sa isang puno. 

Nang mapansin ng suspek na paparating na ang dalawang saksi, ay mabilis daw itong tumakbo habang nakahubo. Naiwan ng suspek ang kaniyang shorts, brief at cellphone. Gumamit din daw ng bato ang suspek upang maabot ang maselang bahagi ng kalabaw.

Matapos ang insidente, nabawi rin ang mga naiwang gamit ng suspek matapos itong kunin ng kaniyang amo sa pinangyarihan ng insidente.

Probinsya

Shipping line ng lumubog na M/V Trisha Kerstin 3, nakiramay sa mga kaanak ng kanilang mga pasahero

Samantala, napag-alamang hindi ito ang unang beses na umatake ang suspek sa mga alagang hayop sa naturang probinsya. 

Batay sa imbestigasyon ng pulisya, minsan na rin umanong naaktuhan ang suspek na gumagawa rin ng kalaswaan sa isa namang alagang kambing.

Sinubukang tuntunin ng mga awtoridad ang kinaroroonan ng suspek ngunit bigo silang matimbog ito. Ayon sa pulisya, nakatakas na raw ito patungong Rizal, Palawan.

Nagbabala rin ang lokal na pamahalaan ng El Nido na ang pang-aabuso sa hayop ay mahigpit na ipinagbabawal ng batas at may kaukulang parusang pagkakakulong sa sinumang mapatutunayang may sala.

Ayon sa ilalim ng RA 8485 o mas kilalang Animal Welfare Act of 1998, mahigipit nitong ipinagbabawal ang anumang pananakit, pagpapahirap at pang-aabuso sa anumang uri ng hayop.