Hindi natin alam 'yong lalim ng pinagdadaanan ng isang tao, hindi natin alam kung paano nila hinaharap ang bawat pagsubok, at hindi natin alam kung hanggang saan na lang ang kaya nila.
Kaya nga ang paalala lagi ay "be kind to everyone."
Bukod sa mga salitang "kaya mo 'yan," "nandito lang ako handang makinig," at "lakasan mo lang ang loob mo," subukan ding magbigay ng "encouragement" sa pamamagitan ng mga Bible verse.
Ang mga Bible verse na ito ay hindi lang para sa ibang taong may pinagdadaanan, puwede rin ito sa'yo—may pinagdadanaan man o wala.
Psalm 119:28
Akoʼy nanlulumo dahil sa kalungkutan, palakasin nʼyo ako ayon sa inyong pangako.
Exodus 15:2
Ang Panginoon ang nagbibigay sa akin ng lakas, at siya ang aking awit. Siya ang nagligtas sa akin. Siya ang aking Dios, at pupurihin ko siya. Siya ang Dios ng aking ama, at itataas ko siya.
Deuteronomy 20:3-4
Makinig kayo, O mamamayan ng Israel! Sa araw na ito ay makikipagdigma kayo sa inyong mga kaaway. Lakasan ninyo ang inyong loob at huwag kayong matakot. Sapagkat ang Panginoon na inyong Dios ang sasama sa inyo! Makikipaglaban siya para sa inyo laban sa mga kaaway ninyo at pagtatagumpayin niya kayo!’
Deuteronomy 31:6
Magpakatatag kayo at magpakatapang. Huwag kayong matatakot sa kanila dahil ang Panginoon na inyong Dios ay kasama ninyo; hindi niya kayo iiwan o pababayaan man.
Joshua 1:9
Alalahanin mo palagi ang bilin ko sa iyo: Magpakatatag ka at magpakatapang. Huwag kang matakot o kayaʼy manghina, dahil ako, ang Panginoon na iyong Dios, ay sasaiyo kahit saan ka pumaroon.
Psalm 27:1
Ang Panginoon ang aking ilaw at Tagapagligtas. Sino ang aking katatakutan? Siya ang nagtatanggol sa akin kaya wala akong dapat katakutan.
2 Corinthians 12:9
Ngunit sinabi ng Panginoon sa akin, “Sapat na sa iyo ang aking biyaya, dahil ang kapangyarihan koʼy nakikita sa iyong kahinaan.” Kaya buong galak kong ipinagmamalaki ang aking mga kahinaan, nang sa ganoon ay lagi kong maranasan ang kapangyarihan ni Cristo.
Philippians 4:13
Kaya kong harapin ang kahit anong kalagayan sa pamamagitan ng tulong ni Cristo na nagpapatatag sa akin.
2 Thessalonians 2:16-17
Aliwin at palakasin nawa kayo ng ating Panginoong Jesu-Cristo at ng Dios na ating Ama. Mahal tayo ng Dios at siya ang nagbigay sa atin ng walang hanggang kaaliwan at kalakasan, at matibay na pag-asa dahil sa biyaya niya. At nawaʼy bigyan din niya kayo ng lakas ng loob na maipahayag at maisagawa ang lahat ng mabuti.
Psalm 73:26
Manghina man ang aking katawan at isipan, kayo, O Dios, ang aking kalakasan. Kayo lang ang kailangan ko magpakailanman.
Isaiah 41:10
Huwag kang mangamba dahil ako ang Dios mo. Palalakasin kita at tutulungan. Iingatan kita sa pamamagitan ng aking kapangyarihan na siya ring makapagliligtas sa iyo.
1 Corinthians 16:13-14
Maging listo kayo at magpakatatag sa inyong pananampalataya. Magpakatapang kayo at magpakatibay. At anuman ang inyong gawin, gawin ninyo nang may pag-ibig.
John 16:33
Sinabi ko sa inyo ang mga bagay na ito para magkaroon kayo ng kapayapaan sa akin. Daranas kayo ng paghihirap dito sa mundo, pero magpakatatag kayo dahil nagtagumpay na ako laban sa kapangyarihan ng mundo.”
Isaiah 41:13
Sapagkat ako ang Panginoon na iyong Dios. Ako ang nagpapalakas sa iyo at nagsasabing huwag kang matatakot dahil tutulungan kita.
Romans 5:3-5
At nagagalak din tayo kahit na dumaranas tayo ng mga paghihirap, dahil natututo tayong magtiis. Alam natin na ang pagtitiis ay nagpapabuti sa ating pagkatao. At kung mabuti ang ating pagkatao, may pag-asa tayo na makakabahagi tayo sa kadakilaan ng Dios. At hindi tayo mabibigo sa ating pag-asa dahil ipinadama ng Dios sa atin ang kanyang pagmamahal sa pamamagitan ng Banal na Espiritu na ibinigay niya sa atin.
Psalm 34:17
Tinutugon ng Panginoon ang panalangin ng mga matuwid, at inililigtas sila sa lahat ng mga suliranin.
Psalm 55:22
Ibigay mo sa Panginoon ang iyong mga alalahanin at aalagaan ka niya. Hindi niya pababayaan ang mga matuwid magpakailanman.