January 27, 2026

Home BALITA Metro

Inuman, nauwi sa saksakan!

Inuman, nauwi sa saksakan!

Nauwi sa saksakan ang isang masaya sanang inuman sa San Mateo, Rizal noong Linggo ng gabi, Enero 25.

Nasawi habang nilalapatan ng lunas sa Amang Rodriguez Medical Center ang biktimang si alyas "Herminio," bunsod ng tinamong mga tama ng saksak sa dibdib habang patuloy pang nilalapatan ng lunas ang isa pang biktima na si alyas "Philip," na nagtamo naman ng mga saksak sa tiyan.

Nakatakas naman ang tinutugis na ng mga awtoridad ang suspek sa krimen na si alyas "Jimboy."

Batay sa ulat ng San Mateo Municipal Police Station, nabatid na dakong alas-6:50 ng gabi nang maganap ang krimen sa Riverside sa Barangay Sto Niño, San Mateo.

Metro

Malacañang, nagsalita sa ‘courtesy resignation’ ng mga BI personnel na sangkot sa pag-vlog ng Russian vlogger sa kulungan

Nauna rito, masaya umanong nag-iinuman ang mga biktima at suspek ngunit nang malasing ang mga ito ay nagkapikunan na nauwi sa matinding argumento, sa di pa batid na kadahilanan.

Sa kasagsagan ng mainitang pagtatalo, bigla umanong bumunot ng patalim ang suspek at kaagad na pinagsasaksak ang mga kainuman bago mabilis na tumakas.