Binanatan ni Cavite 4th district Rep. Kiko Barzaga ang opening prayer sa pagbabalik ng sesyon ng Kamara nitong Lunes, Enero 26, 2026.
Sa kaniyang Facebook post, iginiit ni Barzaga na wala naman daw diyos ang mga buwaya sa Kamara.
"Bakit may opening prayer pa sa Kongreso? Wala namang diyos ang mga buwaya doon," saad niya.
Sa kasalukuyan, nananatiling suspendido si Barzaga sa Kamara magmula ng masuspinde siya noong Disyembre 1, 2025. Nahaharap din siya sa kasong two counts of cyberlibel na isinampa naman ng business tycoon na si Enrique Razon matapos ang alegasyong niyang sangkot si Razon sa korapsyon sa Kamara.
KAUGNAY NA BALITA: 'Guilty sa ethics complaint!' Kiko Barzaga, 60 araw suspendido, wala ring suweldo
KAUGNAY NA BALITA: 'Two counts pa!' Enrique Razon, sinampolan ng cyber libel case si Rep. Barzaga
Bukod kay Razon, sinampahan din ni Antipolo 1st district Rep. Ronnie Puno ng cyberlibel si Barzaga dahil sa mga naging Facebook post daw nito laban sa kanilang partido na National Unity Party (NUP).
KAUGNAY NA BALITA: DS Ronaldo Puno, kinasuhan ng cyber libel si Rep. Kiko Barzaga
Pinag-aaralan na ring ang posibilidad umanong tuluyang pagpapatalsik kay Barzaga sa Kamara, kung saan mula suspension ay papatawan na raw ito ng expulsion.
KAUGNAY NA BALITA: 'I-expel na rin!' Congressmeow, nakaambang tuluyang ma-elbow sa Kamara