January 26, 2026

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

'Hindi totoo!' Nico Waje, pasimpleng winalis intriga tungkol sa kaniya?

'Hindi totoo!' Nico Waje, pasimpleng winalis intriga tungkol sa kaniya?
Photo courtesy: Screenshots from Nico Waje (TikTok)

Makalipas ang halos tatlong buwan, muling nagparamdam sa TikTok ang dating GMA news reporter na si Nico Waje, na umani ng samu't saring reaksiyon at komento mula sa mga netizen.

Huling nag-post ng video sa TikTok account niya si Waje noong Oktubre 22, 2025 kung saan ipinakita niya ang body transformation, sa pamamagitan ng clips na nagpapakita ng OOTD niya sa mga nagdaang travel.

May kumakalat kasing intriga kay Waje hinggil sa umano'y kumakalat na blind item, tungkol sa isang news personality na umano'y sinibak sa trabaho dahil sa natanggap na maselang complaints mula sa mga kasamahang babae.

Hanggang sa napaulat ng Philippine Entertainment Portal (PEP) na sa isang event, ipinakilala raw si Waje bilang "former GMA news reporter" bagay na ikinagulat naman ng fans, supporters, at netizens.

Tsika at Intriga

No wonder daw! Ruffa, nag-react sa nagsabing love ng pamilya Gutierrez si Barbie Imperial

Kamakailan lamang kasi, nakita pa nila si Waje nang dumalo siya sa GMA Gala 2025.

Kaya naman ang mga malisyosong netizens, ikinakapit o iniuugnay kay Waje ang kumalat na blind item.

Nito ngang Linggo, Enero 25, usap-usapan ang TikTok video ni Waje, na tila pasimpleng sagot daw sa mga intrigang ikinakapit sa kaniya.

Sa video, makikitang nilalaro ng news reporter ang kaniyang pet dog.

Maririnig naman ang background music ng video mula sa awiting "Babaero" ng Syntetiko, tampok ang lyrics mula sa chorus nito, na nli-lip sync din niya.

Saad sa lyrics, "Dapat mo nang malaman na wala lang ang mga sinasabi ng makakating labi. At ba-babaero pangalan ko sa kuwento nilang walang pruweba puro lamang imbento Oh, ba-babaero, ba-babaero, ba-babaero daw ako. Di naman totoo, yeah, hindi naman totoo, 'di naman totoo."

PANGUNGUMUSTA NG NETIZENS

Agad namang pinutakti ng reaksiyon at komento ang comment section ng TikTok post ni Waje.

Matatandaang naging viral si Nico sa social media dahil sa kaniyang charming looks kapag nagbabalita, lalo na kapag ulat-panahon at nagpapakabasa siya sa ulan kapag may bagyo, habang ginagawa ang reporting.

Kaugnay na Balita: KILALANIN: News reporters na usap-usapan ngayong tag-ulan

May ilan pa ngang nagsasabing tila male version daw siya ni Kapamilya star at Asia's Outstanding Star Kathryn Bernardo.

May ilang mga nagbunyi sa pagiging aktibo niya ulit sa social media, may ilang mga nangumusta, pero hindi rin mawawala ang mga nang-urirat tungkol sa intriga.

Sabi ng isang netizen, "been so long. i hope it is not true. rooting for you."

Tumugon naman dito si Waje ng tatlong "finger heart" emojis.

Narito naman ang ilan pa sa mga usisa at tanong ng netizens:

"Hindi totoo?"

"Kumusta na po kayo ng asawa niyo?"

"naka balik na sya guys! I hope you are okay."

"Batch mate ko to sa sja pero sympre hindi totoo crush namin to nun pa gentle man pa."

"i met him in a presscon, he's very approachable and humble. so when the issue broke out, we were shocked. good thing he's back— unbothered and stronger."

"Boss Nico, Official statement sna para wla nang mga issue marites. I started following u since SFT."

Samantala, wala pang reaksiyon, komento, at direktang opisyal na pahayag si Waje patungkol sa mga intrigang ipinupukol laban sa kaniya.