Inihayag ng ACT Teachers Partylist Rep. Antonio Tinio na naipasa matagumpay na nilang naipasa ang ikalawang impeachment complaint kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr.
Sa panayam ng media kay Tinio nitong Lunes, Enero 30, 2026, iginiit niyang patuloy raw nilang babantayan ang naturang complaint na isinumite nila sa House Secretary General matapos daw silang bigong makakuha ng sagot sa pag-usad nito.
“Inaasahan natin ngayon, natanggap n'ya na [ay] immediate referral to the Speaker. However, hindi tayo nakakuha ng definite commitment kay Secretary General na ire-refer n'ya kaagad kay Speaker ang complaint. So, hindi natin malaman kung bakit?” ani Tinio.
Paliwanag pa niya, nasasaad umano sa palatuntunan ng Kamara na mayroon lamang 10 araw ang House Speaker na isama sa agenda ng kanilang sesyon ang anumang impeachment complaint na nakabinbin sa House Secretary General.
Aniya, “According to the rules, the Speaker has 10 session days to include the complaints in the order of business.”
Matatandaang ito ang ikalawang pagkakataon na inihain ng Makabayan Bloc ang ikalawang impeachment complaint laban kay PBBM matapos hindi opisyal na tanggapin ng House Secretary General ang kanilang mga dokumento noong Enero 22.
Nang tanungin kung bakit hindi tinanggap ang ikalawang impeachment case, saad ni Casiño,”Absent daw siya. Siya daw ay nasa ibang bansa. Hindi naman pwede ‘yon. Na porket absent ka eh hindi na tatakbo ang opisina mo at hindi na magagawa ng opisina mo, ang iyong trabaho.”
KAUGNAY NA BALITA: 'Absent daw!' House Secretary General, 'di tinanggap ikalawang impeachment case kay PBBM
Kapuwa hindi tinanggap ng opisina ng House Secretary General ang ikalawa at ikatlong impeachment complaint na inihain naman ng paksyon ni dating Anakalusugan Partylist Rep. Mike Defensor.
Maki-Balita: 'Kung papayagan!' Zaldy Co, handang maging 'state witness' sa ikatlong impeachment case laban kay PBBM