Inanunsiyo ni Cainta, Rizal Mayor Kit Nieto ang pansamantalang paghinto niya sa trabaho matapos siyang dalhin sa ospital noong Linggo, Enero 25.
Sa latest Facebook post na mababasa sa opisyal na Facebook page ni Nieto nitong Lunes, Enero 26, mababasang kahapon pa umano siya naka-confine dahil sa pananakit ng dibdib.
“Angiogram procedure revealed multiple blocks in all his major arteries. He is under close medical monitoring, and his movements have been likewise restricted,” saad sa post.
Dagdag pa rito, “Today, he, alongside his family, will decide on the options laid on which kind of medical procedure/surgery to be undertaken to address his condition.”
Samantala, inatasan naman ni Nieto si Vice Mayor Ace Servillon para gampanan ang tungkuling maiiwan niya sa opisina hanggang hindi pa siya gumagaling.
Bukod dito, ipinabatid niya rin sa publiko na pansamantala munang iho-hold lahat ng scheduled activities niya kabilang na ang pagdiriwang ng kaarawan niya sa Enero 31.
“He conveys his good wishes to the people of Cainta and promises to return as soon as he gets a clean bill of health from his doctors. Thank you,” pahabol pa sa anunsiyo.
Magsisimula ang medical break ni Nieto nitong araw, Lunes, Enero 26.