January 26, 2026

Home BALITA Probinsya

4-anyos na bata, patay matapos lunurin ng sariling ina!

4-anyos na bata, patay matapos lunurin ng sariling ina!
Photo courtesy: Contributed photo

Nasawi ang isang apat na taong gulang na batang babae matapos umano siyang lunurin sa dagat ng sarili niyang ina sa Zamboanga del Sur.

Ayon sa mga ulat, mismong ang ama’t ina ng biktima ang nagsama sa kaniya upang maligo raw sa dagat, subalit hindi na ito nakita pang buhay.

Unang nasakote ng pulisya ang ama ng biktima ngunit mariin niyang itinanggi ang akusasyong siya ang naglunod sa bata. Ayon sa ama ng biktima, ang ina raw nito ang mismong lumunod sa kaniya.

Samantala, nananatili pa ring nasa kustodiya ng mga awtoridad ang ama ng biktima dahil sa iba pang kasong kinahaharap nito.

Probinsya

Magsasakang 'di nakabayad ng ₱300 utang, pinagsasaksak!

Isang saksi naman ang nagpakilala sa mga awtoridad at iginiit na ang ina ng biktima ang mismong salarin sa kinahinatnan ng bata. Nakita umano niyang dinala ng ginang ang kaniyang anak sa malalim na bahagi ng dagat at pag-ahon niya ay wala na raw itong dalang bata.

Bunsod nito, agad siyang nakipag-ugnayan sa mga awtoridad upang makahingi ng tulong.

Sa operasyon ng pulisya, natimbog nila ang ina ng biktima na mabilis nagtago matapos ang krimen. Nananatili siya sa kustodiya ng mga awtoridad upang matukoy ang motibo sa krimen.