January 26, 2026

Home BALITA National

₱284.6M jackpot prize ng UltraLotto 6/58, paghahatian ng 2 lucky bettors

₱284.6M jackpot prize ng UltraLotto 6/58, paghahatian ng 2 lucky bettors
(unsplash)

Dalawang lucky bettors ang pinalad na maghati sa mahigit ₱284.6 milyong jackpot prize ng UltraLotto 6/58 na binola ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) noong Linggo ng gabi, Enero 25, 2026.

Sa abiso ng PCSO, nabatid na matagumpay na nahulaan ng dalawang lucky winner ang winning combination na 39-37-04-11-02-09 kaya’t paghahatian nila ang katumbas nitong premyo na ₱284,636,402.80.

Ayon sa PCSO, tig-₱142,318,201.40 ang premyong maiuuwi ng mga lucky bettors na nakabili ng winning tickets sa lotto outlets sa Castillo St., Baliwasan, Zamboanga City, Zamboanga Del Sur, at Romulo Highway, Poblacion Norte, Tarlac City.

Kaugnay nito, pinayuhan naman ng PCSO ang lucky winner na upang makubra ang kanilang premyo ay magtungo lamang sa kanilang punong tanggapan sa Mandaluyong City.

National

Ex-CHED chair, binatikos matapos maghayag ng pagkadismaya sa pagkakaltas ng GE subjects

Kailangan din umano niyang iprisinta ang kanyang lucky ticket at dalawang balidong IDs.

Nagpaalala naman ang PCSO na ang lahat ng premyong lampas ng P10,000 ay papatawan ng 20% tax, alinsunod sa TRAIN Law.

Ang lahat naman ng premyong hindi makukubra sa loob ng isang taon, mula sa petsa nang pagbola dito, ay awtomatikong mapo-forfeit at mapupunta sa kawanggawa.

Muli rin namang hinikayat ni PCSO General Manager Mel Robles ang publiko na tangkilikin ang PCSO games upang mas marami pa silang matulungang mga kababayan nating nangangailangan.

Ang UltraLotto 6/58 ay binubola tuwing Martes, Biyernes at Linggo.