January 26, 2026

Home BALITA National

‘Sila ay mga bayani!’ VP Sara, binigyang-pugay legasiya, alaala ng SAF 44

‘Sila ay mga bayani!’ VP Sara, binigyang-pugay legasiya, alaala ng SAF 44
Photo courtesy: OVP, MB


Kinilala ni Vice President Sara Duterte ang katapangan at dedikasyon ng 44 miyembro ng Philippine National Police Special Action Force na nasawi sa Mamasapano deadly clash noong Enero 25, 2015.

Sa ibinahagi niyang mensahe nitong Linggo, Enero 25, tinawag niyang bayani ang tinaguriang “SAF 44,” na siyang nagbuwis ng buhay para sa pagmamahal sa bansa.

“Sa araw na ito, kinikilala at binibigyan natin ng pagpupugay ang apatnapu't apat na matapang na mga miyembro ng Philippine National Police Special Action Force na nagbuwis ng buhay—sa ngalan ng kalayaan, kapayapaan, at tungkulin sa bayan,” panimula ni VP Sara.

Giit pa niya, "Sila ay mga bayani. Mananatili sa ating mga diwa ang kanilang legasiya—ang tunay na kahulugan ng dedikasyon at pagmamahal sa bayan.”

Hinikayat niya rin ang publiko na ipagpatuloy ang pagprotekta sa kapwa Pinoy laban sa panganib ng terorismo.

“Let us honor their lives by continuing what they have fought for— to shield our fellow Filipinos, especially the youth, from the threats of terrorism and violent extremism,” anang bise presidente.

Dagdag pa niya, “As we pause to honor the incredible bravery of each member of SAF 44, let us also keep the families they have left behind in our thoughts and prayers. Their enduring spirit in facing the profound impact of loss is truly inspiring.”

“They deserve our deepest respect and compassion. Mahalin natin ang Pilipinas—para sa Diyos, sa Bayan, at sa bawat Pamilyang Pilipino,” pagtatapos niya.

Matatandaang isinagawa ng SAF 44 ang “Oplan Exodus” labing-isang taon na ang nakalilipas—upang tugisin ang “secret hideout” ni Zulkifli bin Hir, o mas kilala bilang Marwan, at Basit Usman sa Barangay Tukanalipao, Mamasapano, Maguindanao.

Si Marwan ay isang Malaysian terrorist at bomb maker na naiulat na nag-organisa ng Bali Bombing noong 2002, Australian Embassy Bombing sa Jakarta noong 2004, at JW Marriot at Ritz Carlton Bombings sa Jakarta noong 2009.

MAKI-BALITA: BALITAnaw: Buwis-buhay ng SAF 44 sa madugong engkuwentro sa Mamasapano-Balita

Vincent Gutierrez/BALITA