January 25, 2026

Home SHOWBIZ Relasyon at Hiwalayan

Sa gitna ng hiwalayan issue: John Lloyd Cruz, Isabel Santos naispatang magkasama sa Thailand

Sa gitna ng hiwalayan issue: John Lloyd Cruz, Isabel Santos naispatang magkasama sa Thailand
Photo courtesy: lethygorl/IG


Tila binasag na ng magkarelasyong John Lloyd Cruz at Isabel Santos ang mga haka-haka patungkol sa kanilang hiwalayan.

Kamakailan kasi, na-curious ang netizens matapos mag-unfollowan ang dalawa sa kanilang Instagram (IG) accounts, na siyang minalisya pa nila lalo matapos ding mapaulat sa Philippine Entertainment Portal (PEP).

MAKI-BALITA: John Lloyd Cruz, Isabel Santos nag-unfollow sa isa't isa; minamalisyang hiwalay na!-Balita

Sa ibinahagi namang ulat ng Fashion Pulis nitong Linggo, Enero 25, makikita ang IG updates kung saan makikitang magkasama si John Lloyd at Isabel sa bansang Thailand.

Makikitang nakangiti pa at sweet na sweet ang dalawa sa mga litrato, tanda na tila hindi totoo ang mga isyu patungkol sa kanila.

Photo courtesy: isabelreyessantos/IG, lethygorl/IG via Fashion Pulis

Matatandaang naging laman pa ng mga balita si John Lloyd, matapos maiugnay sa umano’y girian nila ng Kapamilya host na si Robi Domingo, sa kasal ng kaibigan nilang sina Zanjoe Marudo at Ria Atayde.

MAKI-BALITA: John Lloyd Cruz, kinompronta si Robi Domingo; muntik magkasuntukan?-Balita

Gayumpaman, matatandaang hindi naglabas ng kahit anumang pahayag si John Lloyd at si Isabel magmula nang pumutok ang isyung ito.

Vincent Gutierrez/BALITA