January 26, 2026

Home BALITA Probinsya

Rider na naaksidente, kasamang nasunog sa nagliyab na motorsiklo

Rider na naaksidente, kasamang nasunog sa nagliyab na motorsiklo
Photo courtesy: Contributed photo

Patay ang isang motorcycle rider matapos masunog kasama ang kaniyang motorsiklo nang bumangga ito sa isang sasakyang nakahinto sa isang bypass bridge sa Laoag City, Ilocos Norte.

Ayon sa mga ulat, nagliyab ang motorsiklo matapos ang banggaan—dahilan upang magliwanag ang bahagi ng tulay. Naipit ang rider sa kaniyang motorsiklo at inabutan ng apoy.

Ayon sa mga awtoridad, bago ang insidente ng sunog ay una munang bumangga ang motorsiklo sa isang sasakyang pansamantalang nakaparada sa tulay. Dahil sa lakas ng impact, tumilapon ang angkas ng rider.

Isinugod sa ospital ang angkas para sa agarang gamutan. Gayunman, hindi na umabot nang buhay ang rider dahil sa tindi ng pagkakasunog.

Probinsya

Public school teacher, arestado sa drug buy-bust operation!

Boluntaryong sumuko sa mga awtoridad ang driver ng nakaparadang sasakyan. Paliwanag niya, napilitan siyang ihinto ang sasakyan matapos itong maubusan ng gasolina. 

Dagdag pa niya, naka-on ang hazard lights ng sasakyan at nagsenyas umano siya sa mga dumaraang motorista gamit ang ilaw ng cellphone.

Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng pulisya upang matukoy ang pananagutan at ang buong detalye ng insidente.