January 26, 2026

Home SHOWBIZ

'Napagod po yata!' VMX actress, pinagpalit ng jowa dahil ‘mahilig gumapang’

'Napagod po yata!' VMX actress, pinagpalit ng jowa dahil ‘mahilig gumapang’
Photo Courtesy: Rhea Montemayor (IG)

Ibinahagi ni VMX actress Rhea Montemayor ang dahilan kung bakit siya single ngayon at walang jowa.

Sa latest episode kasi ng online game show na “Ang Tanong” kamakailan, nausisa ni Ultimate Multimedia Star Toni Gonzaga ang current relationship status ni Rhea.

“May bf ba si Rhea Montemayor? tanong ni Toni.

Sagot ni Rhea, “Wala po, single. [...] Pinagpalit sa pangit.”

Elijah Canlas, ilang beses ‘inechos’ ng filmmakers

“Bakit ka naman pinagpalit?” usisa ulit ng host.

“Napagod po yata sa akin, e,” anang VMX actress. “Mahilig po kasi akong gumapang.”

Pero kung may natutuhan umano si Rhea sa nakaraang relasyon, ito ay ang huwag magmamahal ng lalaking mahirap.

“Binuhay ko siya, e. Mahirap na nga, wala pang pangarap.”

Matatandaang gumanap si Rhea sa ilang pelikulang tulad ng “Madulas” at “Kapag Tumayo ang Testigo.” Pero bago ito, una siyang nakilala bilang isang streamer.