Tila lalong lumilinaw ang ugnayang namamagitan kina Kapuso actor Yasser Marta at sexy actress Robb Guinto.
Sa latest Facebook post kasi ni Robb noong Sabado, Enero 24, flinex niya rin ang serye ng mga larawang kuha sa bakasyon niya sa Bali, Indonesia.
Makikita sa isa sa mga ito ang ang selfie niya habang nasa swimming pool at nakahalik sa pisngi niya si Yasser.
Umani tuloy ng samu’t saring reaksiyon mula sa mga netizen ang nasabing larawan. Narito ang ilan sa kanilang mga komento:
"Wow swerte mo aman kua ky idol Rob"
"suporta kung San ka masaya Robb Guinto"
"Ah yan ang hindi ko nagustohan bad trip ako jan"
"Paldo si kuya haha "
"Nag pa UTO lang"
"Pre suntukan tayo"
"uwian na may nanalo na"
Matatandaang nauna nang isinapubliko ni Yasser ang mga larawan nila ni Robb sa kaniyang social media account.
Pero sa kasalukuyan, habang isinusulat ang artikulong ito, wala pang inilalabas na pahayag ang dalawa hinggil sa real-score nila.
Maki-Balita: Yasser Marta, ibibigay lahat kay Robb Guinto; magkasamang nagbakasyon sa Bali