January 26, 2026

Home SHOWBIZ

Matapos ang kaniyang Miss Cosmo stint: Chelsea Fernandez, balik-Pinas na!

Matapos ang kaniyang Miss Cosmo stint: Chelsea Fernandez, balik-Pinas na!
Photo courtesy: Chelsea Fernandez/IG, Miss Cosmo/FB


Masayang kinumpirma ni Miss Cosmo Runner-up Chelsea Fernandez na siya ay babalik na sa Pilipinas, matapos ang kaniyang stint sa naturang kompetisyon.

Sa isang video statement na ibinahagi ng Miss Cosmo sa kanilang social media page nitong Linggo, Enero 25, mapapanood na sa darating na Lunes, Enero 26 ang balik ni Chelsea sa bansa.

“Mga mahal kong kababayan! Sa wakas ay uuwi na rin po ako,” ani Chelsea.

Siya ay aalis mula sa Tan Son Nhat Airport, sa Ho Chi Minh City, Vietnam, sa ganap na 9:30 ng umaga—at darating sa Pilipinas sa ganap na 1:30 ng hapon (oras sa Pilipinas), sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 1.

“This is truly a celebration, and I would be so happy and honored to see you all there, of course, for a warm airport salubong,” anang beauty queen.

Dagdag pa niya, “And I cannot wait to see all of your beautiful faces dahil sobrang na-miss ko po kayong lahat! And of course, to finally feel the comfort of home again.”

“My heart is overflowing with gratitude, excitement, and of course, happy tears,” pagtatapos niya.

Bigo mang maiuwi ang korona, matatandaang naiuwi naman ni Chelsea ang Miss Cosmo Runner-up, na siyang ikinatuwa pa rin ng Pinoy pageant fans.

MAKI-BALITA: 'Walang luto!' Pinoy pageant fans, happy na 1st runner-up si Chelsea Fernandez sa Miss Cosmo 2025-Balita

Vincent Gutierrez/BALITA