January 25, 2026

Home BALITA

'Mapagmahal, mapagkumbaba, at mapagbigay na tiyahin!' Sen. Bam, may b-day greeting sa kaniyang Tita Cory

'Mapagmahal, mapagkumbaba, at mapagbigay na tiyahin!' Sen. Bam, may b-day greeting sa kaniyang Tita Cory
Photo courtesy: Bam Aquino/FB, X


Ibinahagi ni Sen. Bam Aquino ang kaniyang pagbati sa ika-93 kaarawan ng unang babaeng Pangulo ng Pilipinas na si Corazon “Cory” Aquino, na kaniya ring tiyahin.

Sa ibinahaging Facebook post ni Sen. Bam nitong Linggo, Enero 25, inilahad niya ang umano’y isa sa mga aral na itinuro ni dating Pangulong Cory Aquino.

“‘It’s always the people who make things happen’,” panimula ni Sen. Bam.

“Sa paggunita natin ng ika-93 kaarawan ni Tita Cory, isa ito sa mga aral na patuloy na gumagabay sa atin hanggang ngayon. Madalas siyang tawaging ‘ina ng ating demokrasya’, pero para sa akin, higit sa lahat, siya ay isang mapagmahal, mapagkumbaba, at mapagbigay na tiyahin—simple, pero matatag ang paninindigan,” dagdag pa niya.

Saad pa ng mambabatas, naniwala raw si Cory sa kapangyarihan ng mga ordinaryong Pilipino—dala ng malasakit, pagkakaisa, at paninindigan.

“Sa gitna ng mga hamon na kinakaharap ng bayan—mula sa korapsyon hanggang sa krisis sa edukasyon—paulit-ulit nating napapatunayan, gaya ng paniniwala ni Tita Cory, na kapag sama-sama ang taumbayan, may pag-asa,” aniya.

“Nawa’y patuloy tayong kumilos sa diwa ng kanyang paniniwala: ang pag-usad ng bayan at ang pagbuo ng mas mabuting Pilipinas ay nasa kamay ng bawat Pilipinong handang kumilos, tumindig, at magmahal sa bayan. Salamat, Tita Cory, sa iyong buhay at inspirasyon,” pagtatapos niya.

Photo courtesy: Bam Aquino/FB

Si Cory Aquino ang ikalabing-isang Pangulo ng Pilipinas, na siyang nagpasimula ng mapayapang EDSA People Power Revolution I—na nagpatalsik sa dating Pangulong Ferdinand E. Marcos Sr. noong Pebrero 25, 1986.

KAUGNAY NA BALITA: Panukalang gawing regular holiday ang EDSA Anniv, inihain sa Kamara-Balita

Vincent Gutierrez/BALITA