January 26, 2026

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

'Ibalik mo mga anak ko!' Claudine Barretto, inakusahan ng umano'y kidnapping ang PA niya

'Ibalik mo mga anak ko!' Claudine Barretto, inakusahan ng umano'y kidnapping ang PA niya
Photo courtesy: Screenshot from Claudine Barretto/FB

Usap-usapan ang pagsasagawa ng Facebook Live ni Optimum Star Claudine Barretto nitong Sabado, Enero 24, na nagpakawala ng matinding akusasyon laban sa kaniyang longtime personal assistant o PA, sa umano'y ginawa nito sa kaniyang mga anak na sina Sabina, Santino, at Quia.

Batay sa mga claim ni Claudine, kasama raw ng kaniyang PA na si "Marisol" ang mga anak at nang mga sandaling isinasagawa niya ang live, hindi pa sila naibabalik sa bahay niya. Binigyan niya ng 15 minuto ang PA para ibalik ang mga anak sa kaniya, bago pa raw sila lusubin at hanapin ng mga awtoridad, para sa paratang na kidnapping.

May binabanggit din si Claudine na isang taong aniya'y nasa likod nito at umano'y nais siyang mamatay.

"This is not a joke," paglilinaw pa ni Claudine. "This is very serious. Marisol, ibalik mo ang mga anak ko dito, kanina ka pa dapat nasa Katipunan [Quezon City]. Inaantay ka na ng NBI dito."

Tsika at Intriga

Flight hindi fight! Jellie Aw, Jam Ignacio nag-celebrate ng anniversary?

Inakusahan din ni Claudine ang ilang fans at supporters na umano'y nakipagkuntsabahan sa PA, at ilan din ang umano'y sumira sa kaniyang tiwala at privacy. Hindi naman malinaw kung ano ang tinutukoy ni Claudine tungkol dito, ngunit sinasabi niyang ginagamit daw ng PA at grupo ang pangalan niya at mga anak niya para sa umano'y slandering at extortion ng pera sa iba pang fans.

Isang hindi pinangalanang tao naman ang pinagbantaan ni Claudine, na aniya, nais siyang mamatay dahil ayaw niyang bumalik sa kaniya.

"And you, you know who you are, hindi ka talaga titigil hangga't hindi mo ako mabaliw o mapatay. Nanay ako ng mga anak mo! If anything happens to me, especially sa fiesta ng GenSan, alam n'yo na po, dalawang tao lang ang gumagalaw," aniya, na hindi niya tinukoy kung sino.

Dismayado raw siya sa ilang fans niya na tila takot na takot daw sa tinutukoy niyang tao, na kung tutuusin, wala raw power over sa kaniya.

"And this person is in connivance with someone who wants me dead. Hindi ho ito biro," aniya pa.

"At ikaw," saad pa niya sa taong tinutukoy na aniya'y nasa likod ng mga pangyayari. "Malalaki na ang mga anak ko. Magkita tayo sa VAWC. You want me dead? Dahil hindi kita binabalikan? Bring it on, bring it on. Multuhin ka sana ng nanay at tatay mo," anang Claudine.

Ngunit hindi pa rito natapos ang mga rebelasyon ni Claudine. Sa isa pang social media post, makikita naman ang screenshot ng post nga anak niyang si Sabina, na tila hinihikayat ang tinawag na Ate Sol na sumuko na sa mga awtoridad.

Mababasa sa umano'y post ni Sabina, "Ate Sol, please surrender yourself to the authorities. You took Noah, Quia, and I. Now you are hiding. The authorities are looking for you in the village. How could you do this to us."

"You do anything bad to ANY OF MY CHILDREN MAGTAGO KA NA! Simula palang to. @marisol0125 masisira buhay mo promise! I AM A MOTHER!! yan ang pinakamali mong ginawa! WAG MGA ANAK KO! CLAUDINIANS AT RYCB KO AT HIGIT SA LAHAT WAG AKO SOL!!!!" reaksiyon naman dito ni Claudine.

Photo courtesy: Screenshot from Claudine Barretto/FB

Panghuli, ibinahagi naman ni Claudine ang isang notarized document ng promissory note na ginawa umano ni Sol, para bayaran ang umano'y utang nito sa kaniya, na aabot ng ₱5,000,000, na babayaran sa dalawang hulog.

Nangyari ito noon pang 2023 batay sa petsa ng notaryo.

Mababasa naman sa post ni Claudine, "Pinatawad kita sa pang nanakaw mo.pero etong ginawa nyo MAGBABAYAD KAYO!!!PAREHO KAYO!!!"

Photo courtesy: Screenshot from Claudine Barretto/FB

As of this writing, hindi pa nagbibigay ng detalye si Claudine kung nakabalik na ba ang mga anak niya sa bahay.

Ito ay isang developing story.