January 25, 2026

Home BALITA

‘Huwag magpakaplastik!’ PCO Usec. Castro, sinita si Sen. Imee Marcos

‘Huwag magpakaplastik!’ PCO Usec. Castro, sinita si Sen. Imee Marcos
Photo Courtesy: Mark Belmores/MB, Screenshot from Imee Marcos (FB)

Bumwelta si Palace Press Officer at Presidential Communication Office (PCO) Usec. Claire Castro sa pahayag ni Sen. Imee Marcos hinggil sa kalusugan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr.

Sa inilabas na pahayag ng Palasyo nitong Linggo, Enero 25, pinaalalahanan ni Castro ang senadora na huwag gawing biro ang kalusugan ng kapatid nito.

“Huwag natin gawing biro ang kalusugan ng Pangulo. Huwag maging komedyante o payaso sa pagbibigay ng payo,” saad ni Castro.

Dagdag pa niya, “Totoong puso at pagkalinga ang kailangan ng isang tao na may pinagdaanang karamdaman. Huwag magpakaplastik sa mata ng nakararami.”

Probinsya

Higit 5k security personnel, idineploy para matiyak kaligtasan sa ASEAN Summit

Matatandaang sinabi ni Sen. Imee sa isang video statement noong Sabado, Enero 24, na wala umanong nag-aalalaga kay Pangulong Marcos, Jr. kaya nagkasakit.

Maki-Balita: Sen. Imee sa pagkakasakit ni PBBM: 'Wala kasing nag-aalaga!'

Inanunsiyo kamakailan ng Malacañang na sumailalim ang Pangulo sa medical observation sa St. Luke’s Medical Center sa Quezon City matapos umano nitong makaranas ng discomfort dulot ng Diverticulitis.

Maki-Balita: ‘Wag muna kayo masyadong excited!’ PBBM binunyag ang sakit, hindi raw life threatening

Ayon sa HealthLink BC, ang Diverticulitis ay isang kondisyon kung saan ang pouches o diverticula ay nabubuo at nagdudulot ng pamamaga o impeksyon sa colon o malaking bituka. 

Ang pamamaga o impeksyon na ito ay nagdudulot ng pananakit ng tiyan.

Basahin: ALAMIN: Sakit na ‘Diverticulitis’ ni PBBM, life-threatening nga ba?