January 26, 2026

Home BALITA National

‘Hindi namin kayo makakalimutan!’ PNP, inalala kabayanihan ng SAF 44

‘Hindi namin kayo makakalimutan!’ PNP, inalala kabayanihan ng SAF 44
Photo courtesy: RCADD PRO 10 (FB screenshot)

Nagbigay-pugay ang Philippine National Police (PNP) sa alaala at naging kabayanihan ng PNP–Special Action Force (SAF) 44 na nagbuwis ng kanilang buhay bilang serbisyo sa bayan. 

“Today, the Philippine National Police (PNP) bows its head in remembrance of the Forty-Four members of the PNP–Special Action Force (SAF) who laid down their lives in the faithful service of the nation,” pagkilala ng PNP.

Anila pa, bagama’t maituturing na madilim na kabanata sa kasaysayan ang engkwentrong naganap sa Maguindanao, 11 taon na ang nakakaraan, ang naging serbisyo ng SAF 44 ay nagsisilbing halimbawa ng katapangan, kapatiran, at pagmamahal sa bansa. 

Kaya ang mga kapulisan na nakabilang sa SAF 44 ay inaalala ng PNP hindi lamang bilang elite police commandos, ngunit maging anak, asawa, kaibigan, at kapatid. 

National

Ogie Diaz, pinalagan sinabi ni Greco Belgica na hayaan mga 'tunay na lalaki' sa gobyerno

“We remember them not only as elite police commandos, but as sons, husbands, fathers, and brothers. Their absence is deeply felt, and their sacrifice is carried every day by the families they left behind. To them, we offer our deepest respect, gratitude, and solidarity,” saad ng PNP.

Bilang pagpupugay sa SAF 44 at komemorasyon sa National Day of Remembrance, tiniyak ng PNP na panghahawakan nila ang integridad, kababaang-loob, at pagkamahabagin sa pagsisilbi sa bayan, at pagprotekta ng buhay, hustisya, at patuloy na pag-ani ng tiwala ng publiko. 

“Their bravery continues to guide us. Their sacrifice strengthens our resolve. Their memory reminds us why we serve,” ani ng PNP.

“Sa ating mga bayani—maraming salamat.Hindi kailanman namin kayo makakalimutan,” dagdag pagkilala pa nito sa mga nasawing bayani. 

MAKI-BALITA: BALITAnaw: Buwis-buhay ng SAF 44 sa madugong engkuwentro sa Mamasapano

Sean Antonio/BALITA