January 25, 2026

Home BALITA Probinsya

Coast Guard, nag-abisong mag-ingat sa mga impormasyon tungkol sa MBCA Amejara

Coast Guard, nag-abisong mag-ingat sa mga impormasyon tungkol sa MBCA Amejara
Photo courtesy: Coast Guard District Southeastern Mindanao (FB)

Ipinakiusap ng Coast Guard District Southeastern Mindanao (CGDSEM) sa publiko ang pag-iwas sa pag-reshare ng anumang unverified at misleading na impormasyon sa social media hinggil search and rescue (SAR) operations ng MBCA Amejara.

Ayon sa abiso ng CGDSEM nitong Linggo, Enero 25, pinabubulaanan nila ang mga umiikot na espekulasyon at unofficial reports sa social media hinggil sa kanilang isinasagawa na SAR operations. 

Anila, ang mga ganoong post ay posibleng magdulot ng pagkaalarama, pagkalito, at dagdag-kabalisaan sa mga kaanak ng mga hinahanap pang pasahero at crew ng MBCA Amejara. 

Nilinaw din ng CGDSEM na ang mga opisyal na impormasyon at update ay manggagaling lamang sa mga awtorisadong Philippine Coast Guard channels. 

Probinsya

Public school teacher, arestado sa drug buy-bust operation!

Kaya hinihikayat nila ang publiko na sa social media pages lamang na ito kumuha ng impormasyon hinggil sa isinasagawang SAR operations. 

Matatandaang naiulat na tumaob ang MBCA Amejara noong Enero 19, dahil sa malalakas na hampas ng hangin at alon sa Davao Gulf. 

Sa panayam ng media kay Coast Guard District Southeastern Mindanao (CGDSEM) Commander, Commodore Philipps Soria PCG noon ding Enero 24, tiniyak nitong nagpapatuloy ang masusing SAR, at isasailalim pa sa isang masusing proseso ng kumpirmasyon ang mga identidad ng mga pasahero at crew bago ito mailabas sa publiko. 

MAKI-BALITA: ALAMIN: Ang pagtaob at pagkawala ng MBCA Amejara sa Davao

Sean Antonio/BALITA