January 25, 2026

Home BALITA

'Bakit mo pa aantayin matigok ka?' Roque may mensahe sa kalusugan ni PBBM

'Bakit mo pa aantayin matigok ka?' Roque may mensahe sa kalusugan ni PBBM

Nagbigay ng pahayag si dating presidential spokesperson Atty. Harry Roque kaugnay sa kalusugan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., kasunod ng mga isyung lumutang tungkol sa umano’y kondisyon ng Pangulo.

Sa kaniyang Facebook post, iginiit ni Roque na mahalagang bigyang-pansin ng Pangulo ang kaniyang kalusugan. 

“Marcos Jr., bumibigay na nga ang iyong katawan. Bakit mo pa aantayin na matigok ka? Kung ako ay ikaw, pangalagaan mo na ang katawan mo, gaya ng sinabi ni Manang Imee.”

Ang pahayag ay lumabas sa gitna ng mga ulat na may kinalaman sa kalusugan ng pangulo, partikular ang isyu ng diverticulitis—isang kondisyon sa bituka na maaaring magdulot ng pananakit ng tiyan, lagnat, at iba pang komplikasyon kung hindi maagapan.

Probinsya

Higit 5k security personnel, idineploy para matiyak kaligtasan sa ASEAN Summit

Matatandaang kamakailan ay kinumpirma ng Malacañang na sumailalim si Pangulong Marcos sa gamutan at payo ng kaniyang mga doktor kaugnay sa naturang kondisyon, ngunit tiniyak na patuloy pa rin niyang ginagampanan ang kaniyang mga tungkulin bilang punong ehekutibo.

Maki-Balita: ‘Wag muna kayo masyadong excited!’ PBBM binunyag ang sakit, hindi raw life threatening

Ayon sa HealthLink BC, ang Diverticulitis ay isang kondisyon kung saan ang pouches o diverticula ay nabubuo at nagdudulot ng pamamaga o impeksyon sa colon o malaking bituka. 

Ang pamamaga o impeksyon na ito ay nagdudulot ng pananakit ng tiyan.

Basahin: ALAMIN: Sakit na ‘Diverticulitis’ ni PBBM, life-threatening nga ba?