January 26, 2026

Home SHOWBIZ

Alessandra, maganda raw boses pero hindi pinush pagkanta: 'Pangit ng mga kanta, 'di bagay sa akin!'

Alessandra, maganda raw boses pero hindi pinush pagkanta: 'Pangit ng mga kanta, 'di bagay sa akin!'
Photo Courtesy: Screenshot from Bernadette Sembrano (YT)

Naibahagi ng aktres na si Alessandra De Rossi ang naging usapan nila noon ni Ultimate Heartthrob Piolo Pascual, tungkol sa nangyari sa karera niya.

Sa eksklusibong panayam ni Bernadette Sembrano kay Alessandra noong Sabado, Enero 24, ibinahagi niya ang minsang binanggit umano sa kaniya ni Piolo, na kasabayan niya pala nang magsimula sa showbiz.

“One night, nilapitan niya ako,” lahad ni Alessandra. “Tapos tinanong niya ako, ‘Anong nangyari sa ‘yo? Parang sabay tayong nag-start. [...] Sa’n ka nagpunta?’ What do you mean, sabi ko. Nandito lang ako.”

“‘Hindi, [sabi ni Piolo], bakit hindi mo ginamit ‘yong talent mo? Ang galing mong kumanta. Ba’t hindi ka nag-ASAP?’ So sabi ko, ang pangit ng mga kanta. Hindi bagay sa akin. Pop is not my thing,” dugtong pa ng aktres.

Elijah Canlas, ilang beses ‘inechos’ ng filmmakers

Ayon kay Alessandra, kung hindi raw kasi niya maibibigay ang best niya sa isang performance, mas gugustuhin pa niyang matulog na lang sa bahay.

Matatandaang minsan na ring inamin ng aktres na mapili siya pagdating sa mga iniaalok sa kaniyang proyekto. 

“[B]ata pa lang ako ganoon na ako,” aniya.

Maki-Balita: Alessandra De Rossi, mapili sa trabaho

Sa katunayan, umiiyak daw talaga si Alessandra noon kapag pinapasayaw.  Pero nang masubukan niya ang pag-arte, napagtanto niyang ito raw pala talaga ang gusto niyang gawin.