January 26, 2026

Home BALITA National

Zaldy Co, kailangan munang umuwi ng bansa kung nais tumestigo vs PBBM—Rep. Luistro

Zaldy Co, kailangan munang umuwi ng bansa kung nais tumestigo vs PBBM—Rep. Luistro
Photo courtesy: MB FILE PHOTO

Kinakailangan daw munang umuwi sa Pilipinas ni dating Ako Bicol Partylist Rep. Zaldy Co kung nagnanais siyang magbigay ng testimonya kaugnay sa impeachment complaint laban kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr.

Ayon sa mga ulat nitong Sabado, Enero 24, 2026, mula sa pinangunahan at isinagawang news forum ni Batangas 2nd District Representative at House Committee on Justice Chairperson Gerville Luistro, sinabi niyang nasa ilalim daw ng impeachment rules na kailangang panumpaan mismo sa Justice Committee ang lahat ng mga affidavit, counter affidavit, at maging ang mga testimonyang nais ihayag ng isang testigo. 

“Ang nasa ilalim po ng rules ng impeachment [ay] dapat sa Justice Committee chair panunumpaan lahat ng affidavits and counter affidavits,” saad niya. 

Dagdag pa niya, “And that includes the giving of testimony before the Justice Committee.” 

National

Ogie Diaz, pinalagan sinabi ni Greco Belgica na hayaan mga 'tunay na lalaki' sa gobyerno

Ani Luistro, maaari lang daw magbigay testimonya si Co at iba pang nais tumestigo sa nasabing kaso kung magagawa nilang manumpa mismo sa Justice Committee. 

“Kung itong mga  intended witnesses are willing to come before the Justice Committee and take their oath, of course they can testify[...]” aniya. 

Paglilinaw pa niya, “Lahat po ng ebidensiya supporting the impeachment complaint has to be sworn in before the Justice Committee.” 

Matatandaang inihayag ni dating Anakalusugan Partylist Rep. Mike Defensor na nagpahayag umano ng kagustuhan si Co na tumayong state witness sa ikinasa nilang impeachment complaint laban kay PBBM.

MAKI-BALITA: 'Kung papayagan!' Zaldy Co, handang maging 'state witness' sa ikatlong impeachment case laban kay PBBM

“Kagabi ho, nagpabigay ng mensahe si Congressman Zaldy Co. Ang sabi ni Congressman Zaldy Co, 'Kung papayagan ako, doon sa ifinile ninyong impeachment to become a state witness, kahit na sa zoom...' Ay tatayo siya na witness dito sa grupo na nag-file ng impeachment case,” saad ni Defensor sa isinagawa nilang press conference noong Biyernes, Enero 23, 2026. 

MAKI-BALITA: 'Absent daw!' House Secretary General, 'di tinanggap ikalawang impeachment case kay PBBM

MAKI-BALITA: Solon, naghain ng impeachment complaint vs PBBM sa Kamara!

Mc Vincent Mirabuna/Balita