January 26, 2026

Home BALITA Metro

Valenzuela City Councilor, sinita sa umano’y maluhong pamumuhay

Valenzuela City Councilor, sinita sa umano’y maluhong pamumuhay
Photo Courtesy: via Reddit

Usap-usapan ang magagarang damit at bag na ibinibida ni Valenzuela City Councilor Kisha Coleen Ancheta sa publiko, sa pamamagitan ng social media posts niya.

Sa isang Reddit post noong Biyernes, Enero 23, kinuwesityon ng isang netizen ang asta ni Ancheta. Kalakip kasi ng post ang screenshot ng umano’y mensahe ng konsehala.

“Inggit ka lang eh HAHAHAHA, trabaho ka kasi, iyak ka na lang, gusto ko pa mainggit ka pa. Hahahahahaha,” mababasa sa umano’y mensahe ni Ancheta. 

Bukod dito, makikita rin ang serye ng mga larawan kung saan nakabalandra ang mga luxury brand na gamit tulad ng bag.

Metro

Buntis, nanganak sa tabi ng kalye!

Sey tuloy ng Reddit uploader, “Ganito ba dapat umasta mga government official?” 

Umani tuloy ng samu’t saring reaksiyon mula sa mga netizen ang nasabing post. Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

"Sumisingaw pa din yung kanal kahit balot na ng Parada Loewe Hermes Can't buy class. "

"Jusko sobrang jejemon if thats really her replying like that."

"Make this go viral para ma lifestyle check!"

"Kahit sino na lang kadi nakakatakbo dito satin. Kailangan na talaga i-amend yung requirements para naman mahirapan muna sila kakaaral kung gusto nila mang-corrupt."

"Nabubuhay na ulit sila at ang mga nepo babies."

"I mean that's what u get with uneducated voters "

"Tapos pag nag-viral, sasabihin admin niya lang daw yan kuno lol"

Naglilingkod si Ancheta bilang konsehal sa unang distrito ng Valenzuela City. Matatagpuan ang opisina niya sa 2nd Floor, Legislative Bldg., Valenzuela City Hall.

Pero bago pa man nahalal sa kasalukuyang posisyon, nauna na siyang nagsilbi bilang kagawad. 

Samantala, sinubukan ng Balita na hingin ang panig ni Ancheta hinggi sa nasabing isyu ngunit wala pa siyang ibinibigay na tugon.