January 25, 2026

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Sen. Win Gatchalian, pasimpleng kinumpirma hiwalayan nila ni Bianca Manalo?

Sen. Win Gatchalian, pasimpleng kinumpirma hiwalayan nila ni Bianca Manalo?
Photo Courtesy: Sherwin Gatchalian, Bianca Manalo (FB)

Tila nakapagbigay ng detalye si Sen. Sherwin “Win” Gatchalian sa totoong estado ng relasyon nila ni Kapuso beauty queen-actress Bianca Manalo. 

Sa programa kasing “On Point” ng Bilyonaryo News Channel kamakailan, sumundot ng pahabol na tanong ang batikang broadcast-journalist na si Korina Sanchez tungkol sa lovelife ng senador.

“Oh, by the way, your love life, how is it?” usisa ni Korina.

Sagot naman ni Sen. Win, “It’s non-existent.”

Tsika at Intriga

'Di nila gets ang pressure!' Mikee Quintos, inungkat 'pabigat' issue sa group work noong college

“I’m kidding. I didn’t think you would even answer," natatawang sabi ni Korina. “Thank you so much.”

Matatandaang Enero 2025 pa lang ay palaisipan na sa maraming netizens ang estado ng relasyon nina Sen. Win at Bianca. 

Ito ay matapos lumabas ang write-up ng isang entertainment site tungkol dito.

Mababasa sa ulat ng Fashion PULIS noong Enero 7, 2025, ang tungkol sa hiwalayan umano ng couple na isang showbiz personality at isang politiko, na tila isang blind item.

Mahigit isang taon bago ito, nasangkot sa eskandalo si Bianca noong Disyembre 2023 dahil sa kumalat na screenshot ng umano'y private conversation nila ni Kapuso actor Rob Gomez.

Ngunit matapos ang isyu, tila hindi naman naapektuhan ang kanilang relasyon ng senador. Sa katunayan, napag-usapan pa nga ang tukaan ng dalawa habang nasa senado, noong Agosto 2024.

MAKI-BALITA: Win Gatchalian, Bianca Manalo, nagtukaan sa Senado

Naging opisyal na magkarelasyon sina Bianca at Sen. Win noong Oktubre 2018 bagama’t namamataan na silang magkasama noon pa lang 2018.