January 25, 2026

Home BALITA National

Sen. Kiko, bumuwelta sa Chinese embassy matapos puntiryahin si Sen. Risa!

Sen. Kiko, bumuwelta sa Chinese embassy matapos puntiryahin si Sen. Risa!
Photo courtesy; MB FILE PHOTO

Binuweltahan ni Sen. Francis “Kiko” Pangilinan si Chinese Embassy Deputy Spokesperson Guo Wei tungkol sa naging sagot nito sa nauna nang pahayag na inilabas ni Sen. Risa Hontiveros. 

“No one wants to silence you, and no one should be silenced. But freedom of speech is NOT a license to recklessly defame or attack others, let alone the head of state of another country—this is completely unacceptable,” anang Chinese embassy noong Enero 23, 2026. 

KAUGNAY NA BALITA: Chinese Embassy kay Sen. Risa: 'What you're doing isn't advocacy, it's political theater!'

Ayon naman sa naging sagot ni Pangilinan sa kaniyang Facebook post noon ding Biyernes, Enero 23, sinabi niyang kailangan daw niyang tumugon sa naging pahayag ng nasabing embahada patungkol sa kapuwa niyang senador na si Hontiveros. 

National

Sen. Estrada sa ₱800 wage hike ng mga kasambahay: 'A great help'

Ani Pangilinan, kaduwagan o “cowardice” raw na magtago si Wei sa likod ng kanilang kinatawan para sabihin ang nais niyang ipahayag. 

“When the Chinese Embassy Spokesman himself finds the courage and chooses to be brave enough to say what he has instructed his deputy to say, instead of hiding comfortably behind his deputy, I will respond,” pagsisimula niya. 

Photo courtesy: Kiko Pangilinan (FB)

“It is an act of cowardice to have a subordinate speak on his behalf,” diin pa niya. 

Pagpapatuloy ni Pangilinan, tila mas maganda raw na hayaan na lang nila na magsalita ang Ambassador ng Chinese embassy na si Jing Quan patungkol sa usaping ito. 

“Better yet let the brave Ambassador himself speak up,” aniya. 

“Bully nations are insecure and cowardly states, hiding behind hapless subordinates while pretending to be strong,” pagtatapos pa ng senador. 

Samantala, wala pa namang inilalabas na bagong pahayag ang naturang embahada patungkol sa mga sinabi ni Pangilinan. 

MAKI-BALITA: Chinese Embassy kay Sen. Risa: 'What you're doing isn't advocacy, it's political theater!'

MAKI-BALITA: Pabiktima? Sen. Risa, binira pagiging 'balat-sibuyas' ng China sa WPS

Mc Vincent Mirabuna/Balita