Nagbigay ng reaksiyon at saloobin si "Pinoy Big Brother: Celebrity Collab Edition season 2" host Bianca Gonzalez-Intal hinggil sa napag-uusapang mas mahal pa mag-travel sa mga tourist attraction sa loob mismo ng Pilipinas, kaysa sa ibang bansa.
Sumang-ayon si Bianca sa X post ng abogado, kolumnista, at dating komisyuner ng Commission on Elections (Comelec) na si Gregorio Larrazabal tungkol sa turismo ng bansa, kumpara sa iba pang destinasyon sa Asya.
"How can you convince Filipinos to travel to other parts of the Philippines, when it’s cheaper to fly to Hong Kong, Singapore or other ASEAN destinations, than it is to fly to some tourist destinations IN the Philippines?" mababasa sa X post niya noong Enero 22.
Nire-share naman ito ni Bianca at nagbigay rin ng kaniyang karanasan tungkol dito. Aniya, mas mahal pa raw ang magtungo sa Siargao kaysa sa Hong Kong, Bangkok sa Thailand, o Vietnam.
"Totoo. Bakit ganun. We booked a trip to Siargao and it is more expensive than a trip to Hong Kong, Bangkok, or Vietnam Mas mahirap suportahan ang lokal na turismo dahil ang mahal," saad niya.
Photo courtesy: Screenshot from Bianca Gonzalez/X
Umani naman ito ng iba't ibang reaksiyon at komento mula sa netizens.
"Kaya hanggang pangarap nalang mag Batanes e. Mura pa mag Thailand."
"and pag dating sa destination left and right yung environmental fee"
"Its really just Siargao and Boracay.. I wish people would stop generalizing. There are so much more places to visit than those 2. Siargao is expensive bec of limited flights and greedy airlines.. for accommodation, there's a full range."
"Kakahiya nga e..Sabi nga ng sis ko nag Indonesia sila Jakarta to Belitung then Singapore ang mura ng ticket sabi niya. Bakit sa atin nga domestic flights sobrang mahal. Batanes nga one way 15k."
Kamakailan lamang, ikinakasa na ng Philippine Travel Agencies Association (PTAA) ang Travel Tour Expo 2026 na layong mag-alok ng mga promo at diskuwento dahil umano sa mga ulat na mas mahal ang pagbiyahe sa loob ng Pilipinas kumpara sa pagpunta sa ibang bansa.
Kaugnay na Balita: Mas mahal na travel rates ng Pilipinas kaysa int'l flights, minamatahang pababain ng PTAA