Ibinahagi ni GMA Trivia Master Kuya Kim Atienza ang kaniyang personal wish sa kabila ng aniya’y toughest birthday ngayong taon.
Sa isang episode ng "TiktoClock” kamakailan, sinamahan si Kuya Kim ng mga kapuwa niya co-host sa pagdiriwang ng kaniyang kaarawan.
Kinantahan siya at inabutan pa ng cake. Matapos hipan ang kandila sa ibabaw nito, inusisa siya ni Wacky Kiray kung ano ang hiniling niya.
Aniya, “Ang wish ko number one, itong TiktoClock ay sana magpatuloy ang blessings natin dito. Pang-apat na taon na natin, and may we go on strong.
“And then my personal wish naman,” pagpapatuloy niya, “this is the toughest birthday in my life because it's the first birthday na wala 'yong anak ko.”
"Wala si Emman, but I'd like for the memory of Emman to continue with kindness, good vibes, may people celebrate her life, and may my birthday be the start of this,” dugtong pa ni Kuya Kim.
Matatandaang ikinagulantang ng publiko ang pagpanaw ni Emman noong Oktubre 24, 2025 sa edad na 19.
Maki-Balita: Kuya Kim, kinumpirma pagpanaw ng anak niyang si Emman Atienza