Nagbigay ng pahayag si Sen. Robin Padilla kaugnay sa mga umiintriga sa umano’y pagkikita nila ni Metro Manila Development Authority (MMDA) General Manager Nicolas Torre III.
Sa latest Facebook post ni Padilla nitong Sabado, Hunyo 24, sinabi niyang wala umano sa katangian nila nila ni Torre ang pagiging ugaling aso.
“Pambihira talaga,bagama’t aso ang tingin n’yo sa aming dalawa dahil sa aming loyalty sa aming mga amo hindi ibig sabihin na aso rin ang ugali namin,” anang senador.
Binanggit pa ni Padilla si Salahuddin Ayyubi na tila para sa kaniya ay nagsisilbi niyang huwaran kung paano pakitunguhan ang isang matalik na kalaban.
Aniya, “Ako ay Muslim, at ang greatest commander ng mga Muslim sa akin ay sa panahon ni Salahudin Ayubi, ang matalik na kalaban ni King Richard I (the Lionheart) ng England at ni King Baldwin IV (the Leper) ng Jerusalem.”
“Ngunit kahit mortal na magkakalaban sa panahon ng crusade ‘religious war ng mga Muslim at Kristiyano’
nanatili ang paggalang nila sa bawat isa,” dugtong pa ni Padilla.
Matatandaang nagkadaupang-palad ang dalawa sa Induction and Turn Over Ceremonies ng Philippine Chamber of Commerce and Industry (PCCI) sa Quezon City noong Enero 21.