January 26, 2026

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

'Di nila gets ang pressure!' Mikee Quintos, inungkat 'pabigat' issue sa group work noong college

'Di nila gets ang pressure!' Mikee Quintos, inungkat  'pabigat' issue sa group work noong college
Photo courtesy: Mikee Quintos (IG)/Screenshot from Once and Always a Fan Boy (TikTok)

Usap-usapan sa social media ang pagbabahagi ng Kapuso actress-TV host na si Mikee Quintos patungkol sa pagkaka-bash sa kaniya noong nag-aaral pa siya sa college, dahil daw sa pagiging "pabigat" niya sa isang group work.

Matatandaang lumutang noon ang isang blind item tungkol sa isang artistang hindi raw nakakatulong sa pagbuo ng thesis ng mga kagrupo niya, dahil lagi raw siyang wala.

Ang thesis ay isang academic paper na isa mga requirement na halos pinagdaraanan ng college students para makapasa sa isang kurso, at tuluyang maka-graduate.

Bukod sa madugong preparasyon, isa rin sa mga highlight nito ay thesis defense kung saan idinedepensa sa panel ang naging resulta ng pananaliksik.

Tsika at Intriga

Safe na! Mga umano'y 'kinidnap' na anak ni Claudine, nakabalik na sa kaniya

Binalikan naman ni Mikee ang tungkol sa pagkaka-bash sa kaniya noon, sa podcast ni Chris Cantada, former vocalist ng bandang Sponge Cola.

“Nagkaroon ng time, na-bash ako malala… Alam mo ’yong mga freedom wall per college, ’yong mga anonymous na pino-post," aniya.

"May nag-hate na pabigat daw ako sa group work. Tapos super nag-viral."

Nang mga sandaling iyon, naka-lock in taping daw si Mikee dahil nga sa pandemya. Kumuha rin siya ng full load sa pag-aaral dahil online ang modality noon.

“I was doing a show that time, naka-lock in ako, I was doing The Lost Recipe, eh noong time na ’yon, nag-full load ako dahil online lang lahat,” aniya.

“So sobrang offended ko. Na-affect ako in a way na ayokong pumasok kahit online class. Kasi feeling ko tinatawanan ako ng mga kaklase ko,” aniya pa.

Saka raw na-realize ni Mikee na nakalimutan niyang college students pa lang ang mga kaklase niya noon, at karamihan sa kanila, hindi pa nakakaranas kung paano pagsabayin ang trabaho at pag-aaral.

“Feeling ko, nakalimutan ko na ’yong mga kaklase ko sa college, hindi pa nagtatrabaho. College pa lang sila. Tapos hindi nila ma-gets ’yong pressure na binabalance ko ’yong dalawa."

“So I can’t expect na when I talk to them and explain na, ‘Kailangan kong magpa-nails para sa show at may taping ako.’ Hindi nila makikita as trabaho ’yon for me. ’Yon ’yong rant niya kasi sa post niya, na nagpa-nails pa daw ako, na mayroong deadline."

“’Yong pain na mafe-feel mo once you experience that, nakakalakas talaga siya. Make sure lang you don't become bitter," aniya.

Pero finally, natapos na rin ni Mikee ang degree program na Bachelor of Science in Architecture sa University of Santo Tomas noong Hunyo 2025.

Dito ay ipinagmalaki niya sa social media na nakapasa siya sa thesis defense at finally, ga-graduate na nga.

"Feels wrong to not have these pics on my feed," aniya noong Enero 14, 2026.

"These people motivated me through the hard college all nighters. And though it took longer than expected, a promise is a promise! No regrets cause i’ve never seen my mom and dad more proud of me in my life, it was almost offending. HAHAHA Kidding aside, I’ll keep working hard to make the whole fam, and my little self proud!! Love you guys. Thank you," aniya pa.