January 25, 2026

Home BALITA Metro

Aso, nasagip matapos tumalon sa riles ng MRT-3 station

Aso, nasagip matapos tumalon sa riles ng MRT-3 station
Photo courtesy: Philippine Coast Guard (FB)

Nailigtas ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) ang isang asong nakapasok sa isang estayon ng MRT-3 at tumalon sa mismong riles nito kamakailan. 

Sa ulat ng PCG, Huwebes, Enero 22, nang mangyari ang insidente sa MRT-3 Guadalupe Station. 

Agad namang nabigyan ng lunas ang mga natamong maliliit na sugat sa paa ng aso dahil sa pagbabaybay nito sa riles ng estasyon. 

Noon ding araw na iyon, humingi ng paumanhin ang MRT-3 dahil sa antalang naidulot ng insidente sa kanilang mga pasahero. 

Metro

MMDA, dinepensahan traffic enforcer na pinagbintangang nagtatago sa kalsada

Anila, bandang 6:31 ng gabi ng ma-report sa kanila ang pagtawid ng aso sa riles, at pagdating ng 6:59, matagumpay na itong nasagip ng PCG. 

Binanggit din ng MRT-3 na agad nagbalik sa normal na bilis ang tren nang matiyak na ligtas na ang aso. 

Sean Antonio/BALITA