January 26, 2026

Home BALITA

2 dambuhalang sawa, nahuli sa kisame ng magkaibang bahay, 1 sa kanila, nakalunok ng tuta!

2 dambuhalang sawa, nahuli sa kisame ng magkaibang bahay, 1 sa kanila, nakalunok ng tuta!

Dalawang naghahabaang sawa ang nasagip ng mga awtoridad sa magkaibang residential area sa Leyte.

Ayon sa mga ulat, nahuli ang unang sawa sa kisame ng isang bahay matapos itong mamataan ng isang residente.

Tinatayang may haba ito ng mahigit 10 talampakan at napag-alaman ding nakalunok pa ito ng isang buhay na tuta.

Ayon sa pagsusuri ng mga awtoridad, may sugat sa mata ang naturang sawa na kinailangang gamutin. Bunsod nito, sinasabing isinuka ng sawa ang nilunok niyang tuta bago ito operahan.

National

Ogie Diaz, pinalagan sinabi ni Greco Belgica na hayaan mga 'tunay na lalaki' sa gobyerno

Samantala, sa kisame rin ng isang bahay namataan ang isa pang sawa sa Ormoc City na tinatayang may habang 11.2 talampakan at tumitimbang ng 10.2 kilo. 

Pansamantalang nananatili sa wildlife center ang dalawang sawa at nakatakdang ibalik sa wildlife.