Pumanaw sa ospital ang isang 12-anyos na batang lalaki matapos siyang makagat ng pating sa ayon sa pahayag ng kanyang pamilya nitong Sabado, Enero 24, 2026.
Nangyari ang insidente sa Australia, kasunod ng sunod-sunod na pag-atake ng pating sa silangang baybayin ng bansa.
Kinilala ang biktima na si Nico Antic, na inatake noong Linggo habang kasama ang kaniyang mga kaibigan na tumatalon mula sa mga bato sa Vaucluse, humigit-kumulang siyam na kilometro mula sa central business district ng Sydney.
Ayon sa ulat, agad siyang hinila palabas ng tubig ng kanyang mga kaibigan at dinala sa ospital matapos magtamo ng malubhang pinsala sa magkabilang binti.
“We are heartbroken to share that our son, Nico, has passed away,” ayon sa pahayag ng pamilya. “Nico was a happy, friendly, and sporty young boy with the most kind and generous spirit. He was always full of life and that’s how we’ll remember him.”
Kasunod ng insidente, pansamantalang isinara ang dose-dosenang mga dalampasigan, kabilang ang ilang beach sa Sydney, matapos maitala ang apat na pag-atake ng pating sa loob lamang ng dalawang araw.
Sinabi ng mga awtoridad na ang malalakas na pag-ulan ay nagdulot ng malabong tubig-dagat na mas posibleng makaakit ng mga pating.
Noong Setyembre, isang surfer din ang nasawi matapos atakihin ng malaking pating sa Long Reef beach sa Sydney.
Batay sa datos mula sa mga conservation group, tinatayang may 20 pag-atake ng pating bawat taon sa Australia, kung saan mas mababa sa tatlo ang nagiging fatal.
Mas mataas pa rin umano ang bilang ng mga namamatay dahil sa pagkalunod sa mga dalampasigan ng bansa.