January 24, 2026

Home BALITA National

VP Sara, FPRRD pinag-usapan 15 nawawalang indibidwal sa Davao Occ

VP Sara, FPRRD pinag-usapan 15 nawawalang indibidwal sa Davao Occ
Photo courtesy: OVP, BALITA FILE PHOTO

Ibinahagi sa publiko ni Vice President Sara Duterte na “okay” lang daw ang kalagayan ni dating Pangulong Rodrigo Duterte sa The Hague, Netherlands, at pinag-usapan daw nila ang kaso ng mga nawawalang indibidwal mula sa lumubog na bangka sa Davao Occidental. 

Ayon sa ibinahaging video ng Office of the Vice President (OVP) sa panayam ng publiko kay VP Sara habang nasa The Hague, Netherlands, noong Miyerkules, Enero 21, sinabi niyang “okay” at “pleasant” daw ang kalagayan ng dating Pangulo. 

“Okay siya today. Pleasant,” pagsisimula niya. 

Dagdag niya, “Ang discussion namin was ‘yong mga nawawalang taga-Davao city kasi merong sumakay ng bangka, 15 individuals, tapos nadisgrasya ata ‘yong bangka nila. So, hanggang ngayon, hinahanap sila.” 

National

Sen. Estrada sa ₱800 wage hike ng mga kasambahay: 'A great help'

Ani VP Sara, may isa na raw na natagpuang indibidwal sa Balut Island sa Davao mula sa 15 na kasalukuyan pang hinahanap ng mga awtoridad. 

“Isa pa lang ‘yong nakita. Sabi sa balita, nakuha siya sa Balut island and ‘yong iba [ay] hinahanap pa,” aniya. 

Pagpapatuloy pa niya, napag-usapan daw nila ng kaniyang ama ang naturang pangyayari dahil kaibigan ni VP Sara ang abogadong isa sa mga nawawalang indibidwal. 

“‘Yun ‘yong discussion namin PRD kasi ‘yong isa doon ay kaibigan ko—’yong isang abogado doon. Matagal ko na siyang kaibigan [dahil] tumulong pa siya sa akin noong mayor ako. Unang term ko as mayor,” pagbabahagi niya. 

“At ‘yong isa naman, anak ng matalik na kaibigan ng nanay ko,” pahabol pa niya. 

Tila malungkot naman daw ngayon ang Davao City dahil sa naging aksidente. 

“Medyo malungkot ang Davao City ngayon dahil madami ‘yong missing and syempre ‘yong mga pamilya nila ay nalulungkot, nag-aalala, natatakot. Kaya ‘yun ‘yong pinag-usapan namin ni PRRD kanina,” pagtatapos pa niya. 

Samantala, naglabas din ng kaniyang pahayag si VP Sara sa kaniyang Facebook post nitong Biyernes, Enero 23, kaugnay sa mga pamilya ng naging biktima ng nasabing pangyayari sa Davao. 

Nagawang magpaabot ni VP Sara ng kanilang taos-pusong pakikiramay at panalangin para sa 14 na kataong patuloy pang hinahanap sa kasalukuyan, na sakay ng MBCA Amejara na nawala sa Davao Gulf noong Enero 19, 2026. 

“Ako kauban ang tanan empleyado sa Opisina sa Bise Presidente nagpaabot sa among labing lawom nga pakig-uban ug pag-ampo alang sa 14 ka tawo nga padayon pang gipangita karon, sakay sa MBCA Amejara nga nawala sa Davao Gulf niadtong Enero 19, labi na gyud sa ilang mga pamilya,” mababasa sa kaniyang statement. 

MAKI-BALITA: Trillanes, civil society group kinasuhan ng plunder, graft si VP Sara

MAKI-BALITA: ICC, nananawagan sa mga biktima pa ng war on drugs na lumapit sa kanila

Mc Vincent Mirabuna/Balita