January 24, 2026

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Vice Ganda, pasimpleng kinumpirma breakup nina Ryan Bang, Paola Huyong?

Vice Ganda, pasimpleng kinumpirma breakup nina Ryan Bang, Paola Huyong?
Photo Courtesy: Vice Ganda (FB), Screenshot from Showbiz Updates (YT)

Tila nadulas si Unkabogable Star Vice Ganda sa pag-ispluk ng kasalukuyang relationship status ng anak-anakan niya at “It’s Showtime” co-host na si Ryan Bang.

Sa isang episode kasi ng “It’s Showtime” noong Huwebes, Enero 22, ibinahagi ng isang contestant ng “Laro Laro Pick” na si Rea na nagtrabaho raw siya bilang caddie sa isang golf club sa Antipolo kung saan naglalaro si Ryan.

Tinawag tuloy ng mga host si Ryan at ipinakilala kay Rea. At sa gitna ng kanilang pag-uusap, biglang nabanggit ni Rea na mahilig umano si Ryan sa magagandang caddie, dahilan para matawa sina Jhong Hilario at Vhong Navarro. 

“Di ako ‘yon,” nakangiting sabi ni Ryan. 

Tsika at Intriga

'2026 na, pa-victim ka pa rin?' Ex-gf ni Kokoy de Santos, nanindigang 'di siya nagloko

Segunda naman ni Vice, “Binata naman ang anak ko. Ano namang masama? Binata, eligible. “

Matatandaang lumutang noong Setyembre ang usap-usapang hiwalay na umano sina Ryan at Paola matapos mapansin ng mga netizen na deleted o hindi na umano makikita sa Instagram account ng huli ang engagement photos nilang dalawa.

Maki-Balita: 'May problema nga!' Kasalang Ryan Bang, Paola Huyong tuloy pa nga ba?

Pero sa kasalukuyan, habang isinusulat ang artikulong ito, wala pa ring pahayag na inilalabas ang dalawa hinggil dito.

Maki-Balita: 'May problema nga!' Kasalang Ryan Bang, Paola Huyong tuloy pa nga ba?